UK DDS Rally in London, Nilangaw

Dear Malcolm Conlan and the Tsuwariwariwap,

Ayokong mag english, ipatranslate mo na lang to sa wife mo. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pagrarally niyo just because nag guest ako sa BBC.

Grabe ang panlalait niyo sa akin ha. Resibo.

Pinag aksayahan niyo pa ang paggawa ng mga placard. At teka bakit parang mas marami pa ang placard kaysa mga rallyist?

Tapos tong isa, naisingit niyo talaga ang Gava Gives?

Kung maka internet troll si Ate, wagas. Sino kaya lagi ang asal troll?

Mga Tsuwariwariwap, wala pong masama sa pagiging ulam vendor. Marangal na hanapbuhay po yun. Oo nagtitinda ako ng ulam sa opisina, eh ano naman ngayon?

Proud akong ulam vendor kasi noong mga time na kulang ang pambili ko ng law books or pang tuition, ang pagtitinda ko ng ulam ang sumasagip sa akin. Marangal na hanapbuhay yan dito sa Pilipinas.

Maaring nasa ibang bansa kayo at kumikita ng pounds, pero wala kayong karapatan maliitin ang mga taong nagtitinda ng ulam para matustusan ang araw-araw na pangangailangan.

At saka next time na lalaitin niyo po ako, be sure na substantiated ha.

May mga handler pa kayong nalalaman, tse!

Kung pinupuna ko man ang gobyerno, ang dahilan lang noon para mamulat sila na may mga pagkukulang pa na kailangan punuan. Hindi perfect ang Poon niyo po. Kung tunay kayong supporters dapat gaya ni PAB pinupuna niyo ang kanyang pagkakamali, para maitama niya ito. Ganun ang tunay na pagmamahal. Kung sa tingin niyong maayos na ang lagay ng Pilipinas ngayon, bakit hindi kayo umuwi at dito magtrabaho?

Kung makapanlait kayo sa akin wagas, mali mali naman. Tse!

Yamot sa mga Mapanglait na Tsuwariwariwap,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *