Nagkamali, Not only Once but Twice pa

Dear Tatay Digong,

Sumulat na naman po ako to correct you po sa statement niyong nakaraang araw. In your statement sinisi niyo po si Senator Kiko Pangilinan sa “Juvenile Justice and Welfare Act”. Resibo.

Tatay alam niyo naman po ang process kung paano po nagiging batas ang isang bill, hindi po ba? Dumadaan po yan ng deliberation sa lower at upper house. Nasa Statutory Construction po yan sa law school. So kung sisihin niyo si Senator Kiko, sisihin niyo din po ang buong Kongreso.

Sabi niyo dati when you talked sa noong April 3,

“I am so sad about the passage of the Juvenile Offenders Act (sic) and he (Pangilinan) brought [up] the age [of criminal responsibility] to 15. Whatever you do, even if you kill, rape, or steal or rape with homicide, when your mother comes, you go home,”

Resibo.

Tay, hindi ko po alam kung hindi po niyo nabasa or kinalimutan niyo lang na nagkaroon na po ng amendment ang Pangilinan law noong 2013. Tatay, turuan ko po kayo ha, kasi lagi na lang po kayong napapahiya. Dapat noong April 3 na nagkamali kayo, dapat yung mga nakapalibot sa inyo po binigyan na kayo ng heads up na mali. Para hindi na po kayo mapahiya. After 6 months po, napahiya uli kayo. Resibo.

Free lesson na po to, walang bayad.

Noong 2013, nagkaroon na po ng amendment yan po. Contrary sa sinabi niyo po, children below 15 years old who commit murder, homicide, rape, or robbery with homicide, among others, cannot just get off the hook. Ibig sabihin hindi sila makakalabas agad gaya ng pinagsasabi niyo.

Sa bagong batas po, RA 10630 pinapayagan po ang mga child offenders 12 to 15 years old to be detained in youth centers or Bahay Pag-Asa (Houses of Hope) for serious crimes. Local government units are mandated to build such centers. Resibo.

Sabi niyo sa recent speech niyo,

What Kiko Pangilinan should have done was make a colatilla or a condition provided that in every town or city, there should be a correctional institution. Not to put them in prison but to detain them and be lectured on what is right and what is wrong…Now, why don’t they amend it?”

Luh, grabe sya. Tay, naamend na nga po, kulits.  Nasa amendment form na po yan ng RA 10630. Resibo.

Hindi niyo po ba ito nabasa? Wala man lang nag advise sa inyo po na mali ang pinagkukuda niyo po sa speech? Akala ko po ba the best and the brightest ang mga adviser? Bakit po hindi nila kayo pinapayuhan para hindi sana kayo napapahiya.

Eto pa Tatay ha, nakalimutan niyo na ba na meron din kayong Bahay Pag- asa sa Davao? Di ba po kayo pa po nagpatayo ng Mayor po kayo? Resibo.

Hala, nagiging nakalimutin na kayo. Kailangan niyo na sigurong magpa check up. Mukhang may memory gap na po kayo. At saka di ba po, office with a mandate to keep you abreast with policy issues, particularly the legal aspect, is the Office of Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo? Bakit hinayaan niya kayong mapahiya, not only once, but twice? Tsk,tsk tsk.

Free advice na po to. Wag na po kayong mag thank you.

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *