Atty. Gadon, Kumusta po ang Dinner with BBM and Friends?

Dear Atty. Allan Gadon,

Hindi ko alam kung mayayamot ako or matatawa sa mga pahayag niyong ito about sa psychologist.

Kung may nangangailangan man dito ng psychologist palagay ko hindi si CJ yun. Oo nga po pala, di ba po ikaw ang nagsabi before, na uubusin mo ang mga taga Mindanao kasama pamilya nila? Mala genocide na solution? Resibo.

Wag ka nga. Tapos sabi mo, you want to flush out yellow kayo gusto mong maimpeach si CJ Sereno?

Wow napakapowerful niyo naman po. Oo nga pala, kumusta po ang dinner niyo with BBM, Imelda Marcos  and the rest of the gang? Pinadala kay PAB ang mga pictures niyo po. Ikaw po talaga ang nasa head of the table no?

At saka wow, gold ang kubyertos, yamanin po pala kayo.

In this picture seryoso ang usapan niyo po with BBM oh? Resibo.

Ano po kaya ang topic niyo? Color yellow po ba? Sana naman hindi di ba? Sana simpleng dinner lang yan. Hindi naman siguro sila ang nasa likod ng mga kasong pinafile mo di ba? Solong desisyon mo lang naman di ba at walang nagdidikta sa yo, di ba? At saka walang perang involve dito no? Solo act mo lang. At simple dinner lang yan.

Oh and by the way po, sabi niyo abusado si CJ Sereno kaya gusto niyong ipaimpeach, tapos ngayon yung layunin pala ipabagsak ang sinasabi mong dilawan. Ano ba talaga beshie? Make up your mind.

Anyway, sana nga , walang itim na ispiritung lumulukob sa katauhan niyo po. Sana walang conspiracy na nangyayari para manalo si BBM sa protest kung tuluyang maimpeach si CJ Sereno. Sana nga wala.

Yamot sa Tusong Praning,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *