Mochang Maling Photo na Naman

Dear Ate Mocha,

Hindi pa natatapos ang buwan may fake news ka na namang ginawa. You posted this.

Ginamit mo ay maling photo to mislead the netizens. Misleading ka eh. Hindi ko alam kung talagang matigas lang po talaga ang ulo niyo po or sinasadya niyo pong lokohin ang mga followers niyo.

Ate Mocha, hindi niyo po kailangan mag imbento ng accomplishment ni Tatay Digong niyo po. Di ba sabi niyo marami? Bakit kailangan kayong mag imbento?

The photo that you used is from Rappler. Resibo.

Eto yung photo na 3 days palang nagsisimula ang Marawi clash eh.

By using a fake photo and fake reports na mabilis na naayos ang Marawi, ikaw mismo na Asec. ng PCOO ang nagpapakalat ng fake news.

Kaya ka napagsasabihan ni Senator Nancy Binay eh. Resibo.

Pinapasweldo ka ng bayan to give us right information. Ang ginagawa mo misinformation eh.

Tapos nang mahuli ka, ikaw pa ang galit. Resibo.

Ibig mong sabihin, pati ang opisyal na pahayagan ng PCOO nagkakalat din ng maling info? Tapos ikaw nagshishare without verification man lang?

Mukhang ang fake news ay epidemya talaga. Akalain mo ang opisyal na pahayagan ng PCOO ay nagpopost ng maling photos? Kung walang pumuna sa inyo, patuloy niyong lolokohin ang taong bayan.

Luh, grabe sila oh. Dapat office niyo ang pangalan PMIO. Presidential Misleading Information Office.

Ang sa akin lang sana, gawin ng maayos ang trabaho, nakakahiya naman sa P 130,000 na sweldo di ba?

Yamot sa Taga Kalat ng Fake News at Katangahan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *