Senador Boplaks

Dear Senator Manny Pacquiao,

Mukhang may hindi kayo alam sa pamamalakad ng gobyerno. Sa kagustuhan mong makasipsip sa kay Poon Duterte, humirit ka na naman ng kabobohan.

Sabi niyo po,

Siguro pinaramdam ng House ‘gobyerno nagpa -funding sa yo tapos inaatake mo sa sariling pamamahay.”

For the record po, ang funding po na sinisweldo sa inyo at sa ibang sangay ng gobyerno ay galing sa buwis ng taong bayan. Inaatake?  Ano po ba gusto niyo, maging kasing sipsip niyo na kahit kaliwat kanan na ang patayan ay nanatiling bulag at hangal pa din?

Sino po ba ang tinutukoy niyo na “gobyerno”? Si President Duterte?  Hindi po siya gobyerno, parte po sya ng gobyerno, gaya mo kabahagi ka lang din. Ang Commission on Human Rights ay bahagi din gobyerno. Bawat isa ay may mandatong ginagampanan. Umaayon ka sa pagtanggal ng budget sa ahensya, na syang nagpoprotekta sa karapatang pantao ng bawat Pilipino, para mo na ring niyurakan ang mga taong bumuto sa yo. Kung may dapat mang tanggalan ng budget dito ay yung mga bobong mambabatas na puro lang pagsisipsip sa pangulo ang ginagawa.

Di ba may intelligence fund kayo? Yan ang tanggalin at ilipat sa CHR, yung iba naman sa inyo hindi ginagamit ang intelligence eh, sayang pondo.

Inuulit ko po, hindi gobyerno si Duterte at hindi sa kanya nanggagaling ang pondo. Sa aming mamamayan nanggagaling po to.

Yamot sa Bobong Mambabatas,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *