Luh, Iniba ang Kwento

Dear Robin Padilla,

Natawa ako sa post mo po sa IG. Parang hindi naman yan ang sinabi mo sa interview. Sa kagustuhan mong makisabayan sa mga DDS gumawa ka rin ng sarili mong kwento ng tattoo. Eto po sinabi niyo.

“Sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration. Napakagulo ng naganap na ito sapagkat noong ako’y conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag-alis ng Inangbayan pero ngayon na absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI. Sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration. Napakagulo ng naganap na ito sapagkat noong ako’y conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag-alis ng Inangbayan pero ngayon na absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI. Wala naman akong bagong kaso sa kahit saan na korte. Wala akong makitang dahilan maliban sa tattoo ko na dragon…  Baka pati ako ay TRIAD na rin. Naku po naman baka ipatawag pa ako ng Senado, aba’y hindi ko kayo tatanggihan game ako dyan. Nakapanghihina naman po ang binabayaran kong malaking tax kung palagi akong kasama sa usual suspect,” 

Tapos nang nabisto kayong nagsinungaling eto na naman post niyo.

Walang nagsasabi sa yo na nakikipag away ka, ang point lang nagsinungaling ka. Nag issue na ang statement ang Bureau of Immigration na wala kang hold departure order gaya ng sinasabi mo. Gusto mo kasing isingit ang tattoo version mo sa narrative na gustong ipalabas ng DDS eh. Hindi interasado ang bayan sa tattoo mo, ang kay Polong ang gusto nilang makita.

Kung may hold departure order ka, bakit nakapunta ka sa Netherlands?  Bakit nakasama ka sa Russia?

Hay naku, nagdadrama ka na naman para lumusot.  Wag ka nga!

Yamot sa Sipsip na Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *