In Reply to Beverly Salviejo

Dear Ms Beverly,

Hi po. I am a fan. Bilib na bilib po ako sa inyo pag nagpapatawa na kayo. Kaya siguro nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ang maling pananaw niyo about CHR.  Nang mabasa ko na your post ay nashare na sa mga fake news website and ginamit na din ng mga DDS to defend ang 1000 budget na binigay ng Kongreso, I feel na kailangan kong magsalita. This is your post.

Beverly Salviejo CHR Facebook Post | Pinoy Ako Blog

Let me answer you punto per punto po ha.

You mentioned bakit hindi nagsalita ang CHR noong Mendiola Massacre.  Teh,  kailan po ba nangyari ang Mendiola Massacre?  If nagbasa ka muna po and check your history malalaman mo po na it happened on January 22, 1987. Yes, president po nun si Cory Aquino, and CHR was created May 5, 1987. Executive Order 163 po, signed by Former President Corazon Aquino. Now, bakit mo po hahanapin ang CHR nung January na hindi pa sila nag-eexist ng time na yun. So tong hirit niyo po either mema lang po or fake news.

Pero alam niyo po kahit po wala po ang CHR nung time na yun may ginawa pa din po ang Aquino admin noon po. Kung nagbasa lang po kayo bago kumuda mababasa niyo po ang tungkol sa Citizen’s Mendiola Commission. Eto po ang inatasan mag imbestiga sa nangyaring massacre. May mga video pa nga po eh. At February of 1987 may mga kaso nang sinampa sa mga abusadong pulis na nakita sa video.

Kayo naman po, hindi niyo na pinatahimik si Tita Cory, pinagbintangan niyo pa. Wag po kasi laging mema. Magbasa po kayo, wag asal troll.

Punta tayo sa nabanggit mong Hacienda Luisita. Sinisisi niyo pa rin sa mga Aquino, balik po uli tayo sa history ha. Nangyari ang Hacienda Luisita Massacre na sinasabi niyo ay November 2004. Sino po ba ang Presidente ng time na yun?  Kung nagbasa lang kayo malalaman niyo na si GMA ang presidente ng time na yun. At ang mga nasa gabinete ay ang mga kasamahan mong DDS, si Speaker Alvarez at Bobi Tiglao. To say that walang ginawa ang CHR nung time na yun is fake news po. Kasi nag embistiga po sila. In fact ang fact finding group was led by Atty. Norberto dela Cruz and Region 3 director Atty. Jasmin Regino. Kaya nga nalaman nila na may mga pang-aabuso na naganap. Kung nagbasa ka lang po, malalaman niyo po na last 2012 naibigay na sa mga farmers ang mga lupa base sa decision ng SC. So to say na walang ginawa ang CHR sa Hacienda Luisita, ay isang fake news din.

The last that you mentioned ay yung Kidapawan. Teh, kung nagbasa ka ng news, nabasa niyo sana na CHR also did an investigation. Resibo.

CHR GMA News | Pinoy Ako Blog

Ang point lang dito wag sana kayong maging purveyor ng fake news. Bago kumuda, magbasa. Bilang isang artista, responsibilidad niyo sa inyong mga fans ang magpost ng tama.

Sa tanda niyo pong yan dapat hindi na kayo nagpapaniwala sa fake news. Ok lang kung DDS ka, pero wag troll na DDS na parang asong ulol na magrarant with all caps only to find out na mali naman ang pinagsasabi.

Libreng history lesson na po yan. Ako na lang po nagresearch for you, baka po kasi tamad kayong magresearch. Galaw galaw din po, baka mastroke.

Bawat karapatang  pantao ay mahalaga. DDS ka man o Dilawan, makinis man o baku-baku  ang pagmumukha, mayaman man o mahirap lahat yan kailangan pangalagaan laban sa pang aabuso ng may kapangyarihan.

Hindi Tamad Magresearch,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *