Dear Vice Mayor Polong Duterte,
Sabi nang Tatay niyo nung campaign palang, kayo ay simple lamang ang pamumuhay. Simple na anak ng governor.
Last Senate hearing niyo kung gaano ang ingay ng isyu sa pagka involved niyo sa shabu ganun ang ingay ng milyones niyong relo.
Ayan pa oh, may gumawa pa ng computation. Grabe, may ganyan pala kamahal na relo no? Apat na simpleng bahay ang katumbas. Pasensya na po ha, kung hindi ko alam simple lang kasi buhay namin. Dalawa palang ganyan ang pag-aari niyo. Ang simple niyo po pala.
Ang simple din po ng anak niyo.
$3100 dollars ! 155,000 pesos? Simple nga.
Bag na $750, equivalent to 37,500 pesos na bag? Napakasimple.
Chanel? Mga simpleng tao gumagamit niyan.
Gucci sneakers worth $620 katumbas sa peso na 31,000. Ang simple niyo po talaga.
Tapos kanina nagpost anak niyo na kunwari nasa 7/11 siya kumakain.
Namumuhay mahirap pero parang diring diri sa pagkain sa 7/11.
Hay naku, ang simple po talaga ng buhay niyo Vice Polong. Kung simple po kayo, paano na lang kami? Hampas lupa? Dukha?
Nakakatawa po anak niyo, mana po sa pag uugali sa inyo.
Tunay na Simple,
PAB