Makibaka, Wag Matakot

Dear ADMU,

Una po sa lahat gusto ko pong iparating ang aking taos pusong paghanga sa ginawa niyo pong silent protest laban sa hindi makatarungan na binigay na budget ng mga mambabatas sa Commission on Human Rights. Mabuhay po kayo.

Pero at the same time ako din po ay nabahala kasi pagkatapos niyo pong gawin yun, nagkaroon agad ng mga pulis na nagsasagawa sa pag check ng bag without search warrant.

Hindi natin po alam kung epekto po ito ng ginawa niyong protesta or sadyang gusto nilang manakot.

Eto na ba ang simula ng Martial Law? Maliwanag na isa itong harassment sa mga taga Katipunan.

Alamin niyo po ang inyong karapatan.

1.

Wag kayong papayag na halughugin ang bag niyo na walang search warrant. Baka po matamnan kayo ng shabu.

2.

Iready lagi ang cellphone at camera para you can document everything.

3.

Kunin ang pangalan ng mga pulis.

4.

Gamitin ang social media sa pagrereport ng mga incidente po. Kung puwede gumawa po kayo ng hashtag like #KatipunanWatch #MartialLawWatch para madaling mamonitor.

5.

Ilagay sa speed dial ng phone niyo ang inyong parents at family lawyer.

6.

Watch each other’s back. Magtulungan kayo.

Dumadaan ang bansa natin sa madilim na kasaysayan ngayon. Huwag niyong hayaan kunin ng takot ang mga boses niyo. Kayo po ang beses ng 13,000 biktima ng EJK. Tayo po ang boses na lalaban sa kasamaan.

Maraming Salamat po sa Pagmamalasakit niyo sa bayan.

Lubos na Humahanga,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *