In Reply to Ka Tunying

Dear Anthony Taberna,

Hindi ko po napanood ang hirit mo sa kay PAB sa UKG at sa DZMM kanina. Pero maraming nagsabi sa akin ng mga sinabi mo.

In fact some posted it pa. Resibo.

Talagang pinagtulungan niyo ako ha. Sige nga, whats wrong with my blog? I am just exposing fake news lang naman. Pinagtatanggol ko ang mga binabalahura ng mga kakulto niyo. Karen Davila was a victim of bashing by Mocha et al, pinagtanggol nyo ba?  Kasamahan nyo sya sa trabaho di ba? Dapat kayo ang unang magtanggol sa kanya.

Kung sakali man nagtatago ako sa likod ng PAB,  mababago ba ang katotohanan ng mga sinasabi ko? Alam niyo po ba ang pen name?  Like “Dimasalang” during Spanish Era?  Palagay ko alam niyo naman but since ang purpose niyong dalawa as B1 and B2 is to bashed me, kunwari na lang nakalimutan niyo.

I only made a post about you sir Anthony Taberna once, last July pa yun.  I called you out kasi ang problema sa traffic at MRT nadoble na ngayon and yet wala kayong masyadong kuda. Pero dati araw-araw every show niyo be it in TV or radio kung makabanat kayo, wagas.  I checked the post, it was shared 32k times. Kaya ka siguro nangangalaiti ngayon.

Mga Ser, isang pipitsuging babaeng blogger ang pinag aaksayahan niyo ng panahon. Ang daming balita sana na dapat niyong pagkaabalahan. Like ang bloated figure ng drug dependent  na sinabi ni Cayetano sa UNGA, yung pagdamay kay Gabby Concepcion ni Duterte or yung imbestigasyon ng Ombudsman. Or ang issue na to? Resibo.

Bakit hindi ito ang pag usapan niyo, B1 and B2? Ako na magresearch ha. Ayun sa report,

MASASAMPAHAN ng kasong smuggling at tax evasion ang developer ng Philippine Arena sa Malolos, Bulacan na pag-aari ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), hinahabol nila ngayon ang New San Jose Builders, Inc. matapos itong mabigo sa pagbabayad ng buwis sa mga construction materials na ginamit sa pagpapatayo ng higanteng gusali.

Ipinaliwanag ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nabigo ang New San Jose Builders, Inc. na magbayad ng tinatayang P1-bilyong halaga ng buwis dahil sa pag-import ng mga construction material na ginamit sa Philipipine Arena.”

1 bilyon na halaga yan ha. Madami na sanang matutulungan niyan na mahihirap nating kababayan. Dapat ganyan ang issue na pinag uusapan niya, wag ako.

Bawal ba sa relihiyon niyo pag usapan ang kapalpakan ng administrasyon na to? Dapat puro puri lang, ganern?  Bah,  wag na kayong maging reporter mag apply na lang kayo sa Office of the President, balita ko kulang daw ang presidential dogs este presidential guard pala. Try niyong mag apply Im sure over qualified kayo dun.

At wag mong sasabihin na kayo nagpapakita ng mukha, at ako hindi. Haler, trabaho niyo kaya yan. At trabaho niyo din maging fair. If i called out those 7 senators kasi right ko yun, same as right mo kung paano mo tinitira oras-oras ang nakaraang administrasyon.

So don’t you dare na laitin ako, just because hindi ako lumalantad. Yung iba nga nakalantad, himod puwet naman sa Poon, mas mabuti nang nakatago basta totoo lang ang sinasabi. Kadiri kaya ang mga ganyang klaseng journalist. Dapat diyan paluin ng Dos por Dos.

Debate ba kamo? Saka na pag natutunan niyo uli ang journalism ethics. Meanwhile I will just go on with my advocacy fighting fake news which you failed to do by the way, habang may amnesia pa kayong dalawa kung ano ang journalism ethics.

God bless and More Power.

Maghahanap ng Gamot sa Amnesia,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *