Fake News ba ang Nakaabot sa UN

Dear Secretary Cayetano,

May tanong po ako, lagi po ba kayong tumatabi kay Mocha at TP? Kasi po parang nahahawa na kayo sa fake news. Sabi niyo po sa UN Assembly,

“It’s estimated that 4 to 7 million people have been using drugs or are becoming dependent on drugs. Where is sovereignty in a country where vast numbers are addicted to drugs and enslaved to their suppliers?” 

Luh sya, saan niyo po hinugot ang 7 million?

Sabi ni President Duterte noong kampanya noong 2015 number of drug addicts ay 3 million.

Then, in his first State of the Nation Address in July 2016, naging 3.7 million. Resibo.

Tapos after ilang buwan naging 4 million yan. Resibo.

 

Kung totoo ang sinasabi mo na 7 million ibig sabihin hindi succesful ang kampanya niyo laban sa droga because the number of drug addicts has doubled mula nang maging President si Duterte, despite the deaths of more than 14,000 people in both police operations and vigilante-style killings.

Sa dami ng pinapatay araw-araw ibig sabihin lalo silang dumadami?  Ano yan, gremlins?

Nakakahiya kasi yung stats na pinagsasabi niyo dun ay para lang hinugot sa hangin. Walang basis, fake news kumbaga.

Sa kagustuhan niyong majustify ang 14 cases of police operations and vigilante killings, tinaasan niyo ang figure niyo.

Wag kasi kayong magtatabi kay Ate Mocha at TP, nahahawa kayo sa fake news syndrome eh.

Sa totoo lang tayo.

Ikwento niyo po yan sa pagong ang 7 million na figure niyo, baka sila maniwala.

Galisin sana sa Bumbunan ang Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *