The Unfortunate 7, Take 2

Dear Unfortunate 7 Senators,

Nakakatawa kayo how you reacted sa backlash ng social media sa hindi niyo pagpirma. May mga drama pa kayong nalalaman, na kesyo hindi dumaan sa inyong kaya hindi kayo nakapirma. Ikaw Senator Gordon may mga drama ka pang nalalaman. Resibo.

Sumakay pa sa drama mo si Senator Sotto. Resibo.

Pareho kayong sinungaling.

 

Kasi Thursday, September 21, at 12 noon, pinadalhan kayo ng kopya through email. Copy was sent through the publicly available (http://senate.gov.ph/senators/sen17th.asp) and official email niyo Senators Richard Gordon, Gregorio Honasan, Cynthia Villar, Miguel Zubiri, and Majority Leader Vicente Sotto III. Resibo.

At ikaw po Senator Gordon may acknowledgement na pinadala on the same day.

September 25, Monday, na  file ang resolution at 5:33 p.m. Tatlong araw niyong nilimliman na parang itlog ang resolution sa email niyo.

On Tuesday, September 26, it was read on the floor, stating the title of the resolution and the names of the 16 co-authors.  Senate President Pimentel referred it to the committee of Senators Hontiveros and Lacson.

So pinadalhan kayo ng kopya at hindi tinago sa inyo ang resolution tulad ng pinapalabas niyo ngayon.

Luh, may mga padrama drama pa kayong nalalaman na may sumisira sa inyo. Eto Senator Villar na ayaw sa Unlirice. Resibo. 

Maam ikaw po ang sumira sa sarili mo. Ikaw ang hindi nagbasa sa email mo. All 7 of you received a copy. Buti na lang may sent items ang email.

Next time matutong magbasa ng email. Kapalpakan niyo isisisi sa iba. Tse!

Tubuan sana ng galis ang mga sinungaling.

Dami niyong kuda. Pumirma na ba kayo?

Nagdadasal na Mapabilis ang Pagtubo,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *