PAB Exposed Daw?

Dear Ate Sass,

Hindi ko na sana papatulan tong post mo, kasi alam ko naman na hindi totoo. Kaya lang nandamay ka na ng ibang tao.Kaya sasagutin ko na lang.

FYI , babae si PAB. Most of my long time followers alam yan kasi we use to do FB live nung 2000 palang kami. May question and answer pa kami noon.

I must be really hurting you with the truth big time no? Kasi you and your minions are spreading lies and fake news about PAB.

Cocoy Dayao is a webmaster sa kanya ako kumuha ng domain ni PAB noong magdecide ako mag blog na lang, kasi weekly mina mass report niyo si PAB sa Facebook. Lagi niyo kaming pinapa suspend noon kahit 3000 lang kami. To protect the truth, nagblog ako, kasi isuspend niyo man ang page, blog will still be there para magsiwalat ng kapalpakan at kasinungalingan niyo.

Ngayon kung hindi mo alam ang webmaster, magbasa ka.

Manghuhula ka lang fake news pa. Nag masters ka pa naman, pero nagkalat ka na naman ng katangahan.

Pag nakapangalan ang domain ibig bang sabihin siya ang blogger? Tanga mo lang di ba? Any IT expert alam yan.

Gusto mong malaman kung nasaan si PAB?

Hanapin mo si PAB sa bawat Pilipinong nagsasawa na sa fake news at pagsisinungaling na ginagawa niyo,

Hanapin mo si PAB sa bawat inang nawalan ng anak dahil sa EJK.

Hanapin mo si PAB sa iyak ng mga kabataan na naulila sa magulang kasi pinatay ang mga magulang nila ng walang due process.

Hanapin mo si PAB sa bawat manggagawa nakikipag buno sa traffic araw-araw na hanggang ngayon ay hindi pa din nabibigyan ng solusyon ng gobyernong ito.

Hanapin mo si PAB sa bawat guro na ultimo chalk allowance nila ay pinagdamutan pa ng administrasyong ito.

Hanapin mo si PAB sa mga sundalong pilit na binabantayan ang mga teritoryo natin sa West Philippine Sea habang si Cayetano at Duterte ay hindi man lang pinaglalaban ito.

Hanapin mo si PAB,sa bawat OFW na nagsisikap sa ibang bansa na umuwing luhaan, kasi dinatnan na bangkay ang mahal sa buhay.

Hanapin mo si PAB sa bawat isang tax payer na nagkakanda kuba na sa pagbabayad ng buwis, pero winawaldas lang ng pamahalaan pambayad sa propagandista at sa ibat ibang junket.

Hanapin mo si PAB sa mga taong umasa ng pagbabago at nabigo kasi panggagago ang nangyari.

Sa tingin mo mapapatahimik mo si PAB? 75000 lang kami compared sa followers mo, pero hindi kami natatakot sa yo.

Next time, kung mag eexpose ka, galingan mo ha.

Nakakaloka ang katangahan mo.Tse!

Allergic sa Tanga,
PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *