Ang Katangahan ni Thinking Pinoy

Dear RJ Nieto a. k. a. Thinking Pinoy,

Uy ikaw ba ang bagong troll na assign kay Senator Bam Aquino? Dati kasi si Ate Mocha, kaya lang nakasuhan siya kaya puro bible verse sya ngayon. Yun nga lang ang post mo may pagkatanga lang. Like this oh.

The senator is calling mapayapang protesta pero dahil balahura ka, syempre ayaw mo, feeling me peaceful ang administrasyong Duterte.  Pero beshie, may katangahan ka diyan. Ano naman ang kinalaman ni Senator Bam Aquino sa Hacienda Luisita eh hindi naman sya Cojuangco. Nangyari yung sa Hacienda Luisita 2004 panahon ni GMA. Ni wala pa sa pulitika si Senator Bam.

Kayo talagang mga troll, mema lang. Yung makapanira lang. Double whammy lang sa amin na nagbabayad ng buwis, kasi para kaming nagbabayad ng troll na mambabalahura sa matinong senador.

Pilit mong dinidikit ang Hacienda Luisita kay Senator Bam Aquino para macondition ang utak ng mga tao na may kinalaman sya doon. Bumenta na ang mind conditioning na yan noong nakaraang election ang mga tao ngayon nag iisip na.

Alam nila kung sino ang nagtatrabaho ng matino. HINDI kayang takpan nang pambabalahura mo etong mga batas na pinaghirapan ni Senator Bam.

Kahit ano po ang gawin mong paninira, ang mga batas na ito na nagbibigay ginhawa sa mamayang Pilipino ang syang magtatanggol kay Senator Bam.

Mga batang libreng makakapag aral sa college ang makakalaban mo Thinking Pinoy. Mga magulang nila ang magtatanggol kay Senator Bam.

Malayo pa ang election pero hataw ka na sa paninira ha. Lahat na lang kinakabit mo. Etong post mong to, ang kausap mo si Sir Edwin Lacierda ,hinanapan mo pa din ng koneksyon para makabalahura ka ng matinong senador.

You and Mocha ay parehong balahura. Kasama ba yan sa trabaho mo as DFA consultant?

Mahiya ka naman sa taong bayan, binabayaran ka na nga nila, binabalahura mo pa sila sa pamagitan ng pagpost ng kasinungalingan at paninira.

Tubuan ka sana ng korikong sa likod tapos umikli ang braso mo para hindi mo makamot.

Yamot sa Balahurang Tanga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *