Mukhang Nagkakalimutan

Dear Ka PAB,

Hayaan niyong ishare ko sa inyo ang “Alamat ng Nawawalang Shabu “.

Masyado tayong nagconcentrate sa nawawalang 6 bilyon worth of shabu at nakalimutan natin kung ilang crate talaga ng shabu ang nasamsam. Resibo.

Yes po, 23 crates po lahat ang nakapasok,  pero ang pinagtuunan lamang ng pansin ay ang 5 crates lang.

Ayun sa aking nabasa ang 5 crates na nilabas ay nagsilbing decoy para hindi mapansin ang ang mas malaking shipment na 18 crates. By the way ayun sa report nawawala na daw ang 18 crates na shabu na worth 22 billion.

Balikan natin ang mga nangyari.

Noong May, dumating ang shipment ng shabu, kung saan pinadaan sa “green lane” ng BOC. Pag nasa green lane hindi na kailangan icheck.

Ang 23 crates ay dinala  sa warehouse owned by certain Richard Chen of Hongfei Logistics in Valenzuela City. Eto po si Richard Chen. Resibo.

Nabisto ito kasi may nagtip from China na shabu nga ang laman.

Kaya ang mga pulis sa tulong ni Richard Chen, sumugod sa warehouse at nakita nga nila na may 5 crates ng shabu worth 6.4 billion pesos.

So nasaan na ang 18 crates na shabu?  Ni hindi man lang to nabanggit masyado  sa hearing. Hanggang ngayon hindi pa din pinapakita ni Polong ang kanyang tattoo.  Nawawala pa din si Tita Nanie.

Ang daming speculation na lumalabas sa social media, kesyo si Honeylet daw si Tita Nanie at may mga iba pang taong tinuturo.

Matatakpan na naman ang isyu na to. Pero wag nating hayaang makalimot ang kinauukulan. Karapatan ng bawat Pilipino malaman jung nasan ang 18 crates na shabu. Sino ang nagpalusot at sino ang makapangyarihang tao ang nagpoprotekta sa mga druglord. Tandaan niyo ang mga senador na pilit pinagtatakpan ang mga kriminal. Panagutin niyo sila sa susunod na election.

Nanatiling Mapagmatyag,

PAB

Source:

https://mciwordpresscom.wordpress.com/2017/09/23/its-28-9-billion-not-6-4-billion-the-mystery-of-the-missing-22-5-billion-pesos-shabu-of-pulong-the-triad-solved/amp/

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *