In Reply to Bruce Rivera

Dear Atty. Bruce Rivera,

Pinanood ko ang 12 minute video mo na pinagtatanggol mo si Ate Mocha. Yes po pinagtiyagaan ko po yun, habang pinagtatawanan ko drama mo. Sagutin kita ha.

Sabi mo sa video,

Bruce Rivera: Mocha may be an Asec but she’s helpless. She’s just an entertainer who happens to have a voice.

Mali po kayo doon, paano naging helpless ang isang tao na kayang murahin ang Vice President ng bansa on air?  Di ba nga yun ang dahilan kaya natanggal siya sa DZRH? Resibo.

Helpless po sa yo yan?  EH sobrang balahura nga ng bibig?  And she is not an entertainer, she is a government employee covered ng RA 6713 also known as Code of  Conduct  and  Ethical  Standards for Public Officials and Employees. Abogado ka po di ba?  Dapat alam mo to, abogado ka eh

Bruce Rivera to Trillanes: Mocha targeted you because you’re nasty. Mocha is just doing the same to you. Mocha isn’t bullying you, you’re bullying her.

Luh, ni hindi nga nababanggit ni Senator Trillanes si Ate Mocha eh. Napansin lang siya kasi binalahura niya si Senator Trillanes sa pamamagitan ng fake bank account. Resibo.

So sino po ang bully? At sino po ang balahura?

Bruce Rivera:  Mocha doesn’t have the obligation to deliver the news because she’s not a journalist.

Nyek, mali po kayo. Di ba nga sabi ni Ate Mocha sya ang media ni Tatay Digong. Resibo.

Bruce Rivera: Social media is self-regulatory. There’s no such thing as cyber bullying or cyber libel.

Luh,  sya hindi nagbabasa ng mga bagong batas. Basahin nyo po ang  Anti Cyber Crime Law at Case ni Disini vs. Sec. of Justice. Eto po ang mga batas na covered ang cyber libel. Or read also  Republic Act No. 10627, otherwise known as the Anti-Bullying Act of 2013, which includes cyber bullying.

Natatawa po ako sa mga linya niyo ngayon na paawa effect.

May mga bible verse pang nalalaman. Ang tawag sa legal logic niyan ay AD MISERICORDIAM!

Paawa effect pagkatapos makailang sabihan ng walang bayag si Senator Trillanes ngayon parang maamong tupa? Resibo.

Ngayon na tinotoo ang pagkaso, yung style niyo iba na?  Ikaw na lang mag lawyer kay Ate Mocha. Kasi naawa ka naman sa kanya di ba?

By the way may MCLE daw sa New Era, kinuha ko na schedule for you para naman malaman mo ang mga bagong batas. Nakakahiya kasi pag marinig ng iba ang mga pinagsasabi mong wala sa hulog na statement.

No need to thank me. Libre na yan.

Yamot sa mga Dramatistang Frog,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *