AN OPEN LETTER TO CHAIRPERSON ALICE BALA, CIVIL SERVICE COMMISSION

Ang inyo pong tanggapan ay siya pong nangangasiwa sa mga behavioral standard na dapat sundin ng mga kawani ng gobyerno. Kayo po ang tumitingin kung compliant ba sa code of conduct of civil servant ang mga pag uugali nila.
Nais ko po sanang ireport ang pag uugali ng isang Assistant Secretary ng DSWD po, si Lorraine Badoy.

Meron po siyang blog at Facebook account.

 

Noong March 28, 2017 at 11:23 PM. Sa status niya po sa FB nilagay niya ang “Tapos yung mga taga EU, mag onine child porn muna kay, diyan naman kayo magaling eh. (Wow. Uproar.)”

Alam po nating lahat na seryosong usapin ang child pornography. In fact ang DSWD ang lead agency na nangangasiwa upang labanan ang child pornography sa ating bansa. Using “child porn” para pahiyain ang EU ay isang maling gawa, kahit saan mang anggulo tingnan. As an Assistant Secretary, dapat alam niya ang reponsibilidad niya kung paano umakto nang tama na naaayon sa code of conduct ng civil servant. Hindi biro ang trauma ng mga pamilya at kabataan na dumanas ng child pornography. Maski biro or sarcasm dapat hinto ito ginagamit.

 

March 17, 2017, Lorraine Badoy posted again another blunder. that was the confirmation of Secretary Judy Taguiwalo. She said
“She (referring to the Secretary) has set right a Department that was known for its cynicism and its dismal failure in protecting, nurturing empowering the poor. And she will not stop until everything will be as it should be”

Bilang bahagi ng DSWD dapat po hindi niya pinapahiya ang kanyang mga kasamahan. Di niya kailangan insultuhin ang libo libong social worker na sinusuong ang panganib sa bawat sakuna mapaabot lang tulong sa mga mamamayan. Di niya kailangan bastusin ang mga nagtatrabaho na mga kawani ng DSWD ng gabi at araw para lang mapagsilbihan ang mahihirap nating kababayan. Ang iba pa nga tumatawid nang dagat at umaakyat ng bundok para lang maipaabot ang tulong na nagmumula sa national. Kung may nakita siyang mali sa patakaran, ngayon na bahagi na siya ng department, maaari na naman niyang sigurong kausapin at magmungkahi siya ng mga ways para mabago ang sa tingin niya na mali. Hindi kailangan balahurain ang nga kawani ng DSWD sa blog or sa anumang social media site. Ang ginawa po ni Lorraine Badoy ay very unprofessional.

 

Ngayong gabi po March 29, may Facebook post na naman po siya, sabi niya “So you say you love our children? Get the fuck out of my way then. Put your measly political agenda, fr once, out of the way, for the sake of our children, let me do my job. With all humility let mesay this: you will want someone as ENRAGED, as FOCUSED, as CRAZY as I am on that team that runs after the fucking low lives who prey on our children.

“Ma’am, yung salita po ginamit na may kasabay na pagmumura ay sobra pong nakakapanlumo. Ang pagmumura ay hindi mabuting halimbawa sa mga bata at kahit na po sa mga ordinaryong Pilipino. Wala po yata ito sa principle ng social work.

Dahil po sa mga post niya, Assistant Secretary Lorraine Badoy has violated Section 4a.b (Professionlism) and 4a.c (Justness and Sincerity) of Republic Act (RA) No. 6713, also known as CODE of CONDUCT and ETHICAL STANDARDS for PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES.

 

Nakikiusap po kami sa inyong opisina na imbestigahan at kung maari mapagsabihan si Lorraine Badoy. Kung maari bigyan nyo po sya ng orientation kung ano po ang tamang pag uugali. Sana po iremind niyo o sa kanya na bilang kawani ng gobyerno, walang puwang po ang KABALUHARAAN at KAWALANG ASAL.

Umaasa po kami na sana mabigyan niyo po nang agarang solusyon ang reklamong ito. Naniniwala po ako, na bilang independent body, you will be fair sa proseso po.

MABUHAY PO KAYO AT MARAMING SALAMAT PO.

Lubos na gumagalang,
P.A.B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *