Dear Speaker Alvarez,

Dear Speaker Alvarez,

Bilog talaga ang mundo no? Naaalala nyo pa ba kung paano niyo batikusin si DeLima sa isyu ng moralidad? Kung paano niyo pagtawanan ng mga kasamahan niyo? Bilis ng karma no? And Karma is a bitch!

Ngayon ikaw na naman po ang nasa gitna ng delubyo. Kasi ba naman kung makatira kayo kay Sen. Leila parang ang linis linis ng pagkatao niyo. Yun pala mas grabe pa kayo. I still remember when you propose na ipakita ang fake sex video ni Sen. Leila. Akala ko yun na po yata ang kasukdulan ng kabalahuraan niyo, but i was wrong. May mas hihigit pa pala. Yun ay ang pagsama niyo sa kabit niyo sa abroad gamit ang pera ng taong bayan.

Matanong ko lang po, aside sa GAA2017 at death penalty, ano pa po ang mga bill na naipasa niyo? Puwede pong mag request? Since atat naman po kayo sa death penalty, isama niyo na rin po ang “PANGANGALUNYA” sa mga krimen na puwedeng maparusahan ng bitay. Para madamay na ang mga lalakeng mahihilig at di makuntento sa legal wife nila.

Eto po ang nakakatawa at talagang sinabi niyo na hindi lugi ang gobyerno ha, lugi po kami, kasi ang gastos sa pag tour sa Laos ng kabit niyo ay puwede na sana pang feeding program sa mga kabataan sa lansangan.

What you are doing to your family is so wrong in so many levels. Kawawa naman po ang asawa niyo, lantarang pambabastos ang ginagawa niyo. Mr. Speaker, ask yourself po, if you want your daughter to be treated by his partner or future partner the same way you are treating your wife now. Magwawala ka siguro kung ganun ang mangyari.

Dapat lang po talaga kayong madisbar, at dapat din po kayong maalis bilang Speaker of the House. Hindi po kayo magandang halimbawa sa Kongreso at lalo na sa bawat Pilipino. yung mga katulad niyo po ang dahilan kung bakit sinabatas ang VAWC. Mga katulad niyong bastos at walang galang sa kababaihan.

Kayo po ang tipong lalake na HINDI gugustuhin ng sinumang magulang mapangasawa ng anak nila. Kabaliktaran po kayo ni Mr. Right, kayo po si Mr. So Wrong.

Mr. Speaker, mag resign na lang po kayo, pero kung kapit tuko pa din kayo, ipapanalangin ko na sana mapalitan na kayo sa pag open ng session ng Congress sa May.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *