Mochang Fake na Naman!

Dear Ate Mocha,

Sabi mo nung binatikos ka kung bakit binigay sa yo ang Asec na posisyon, na lalabanan mo ang fake na mga balita. Ano na naman to?

Mga sundalo sa Pilipinas ang gusto mong ipagdasal pero ang picture mo pulis sa Honduras?

Yung totoo? Pinagloloko mo ba kami?  Pareho kayo ng amo mo, na si Andanar, puro fake na picture ang ginagamit sa mga news. Naturingan nasa communication office ang trabaho nyo pero ang ginagawa nyo disinformation. Hindi ka ba nahihiya sa mga 5million followers na nauuto mo? Or mahiya ka na lang sa taong bayan na kumukuha ka ng sweldo mo na 130k plus every month tapos fake post lang ang ginagawa mo?

Kasasabi pa lang ni Sir Abella na stop spreading fake  news, tapos ang PNA at ikaw nangunguna sa pagkalat ng fake post.

Matuto naman kayong mahiya!

Galit na galit na,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *