Mochang Fake Defense

Dear Ate Mocha,

I read your post about sa pagjustify mo sa fake photos na ginamit mo. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa kabobohang excuses na binigay mo. Pero sige, himayin natin ang reason mo ha.

Sabi mo symbolism lang yung pic na ginamit mo, ang caption mo ipagdasal natin ang ating mga sundalo. Naturalmente since my attach pictures ka, the post led us to assume na mga sundalo natin yun.  At bakit ka gumagamit ng mga pictures ng ibang tao without giving proper attribution  sa owner?

At saka di ba Asec. ka na? You have the full access of the government resources. Bakit Kailangan gumamit ng picture ng mga pulis sa Honduras? Hindi ka na isang blogger, na limited lang ang resources, para mo na ring sinabi na hindi nagdadasal mga sundalo natin kasi wala kang totoong picture. Kung hindi yun nabisto, patuloy mong lolokohin ang taong bayan!

At eto pa, may bago ka namang katangahan, super encourage ka na mag nationwide ang declaration ng Martial Law, para mapuksa ang krimen at droga.

Magbasa ka muna ng Saligang Batas.  Ang reason lang puwede magdeclare ng Martial Law ay rebellion at invasion. So san napasok ang droga at krimen? Nagsisimula na naman kayo mag condition ng isipan ng mga tao kahit mali.

Wag kasing masanay sa fake news. Magbasa ka muna para hindi magmukhang tanga. Kung katangahan lang ang binibigay mo kapalit ng sahod mo, magresign ka na lang.

Galit sa Tanga,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *