Ang Kababawan ni Asec. Badoy, Bow

Dear Dr.  Lorraine Badoy,

Nabasa ko ang post nyo about kay Senator Bam.

Ang babaw lang di ba na tinitira mo ang panlabas na anyo ni Senator Bam at ang pagiging magkamukha nila ni Ninoy Aquino. Hindi costume ang tawag diyan, GENES po. Doctor ka, dapat alam mo yan. Parehong Aquino nga di ba?  Pero sabagay may mga magka apelyido naman na magkaiba. May magkapatid na magkaiba ang ugali. For example yung isa compassionate sa kapwa tapos yung kapatid pala mura at bastos ang bibig. Another example is yung isa may sariling achievement, yung isa naman sumisipsip para magka achievement. For sure mas mahal ng Tatay nila ang una. Mabait eh. Example lang naman yan na kahit magkapareho pa ang genes maaari pa din lumabas na magkasalungat ugali.

Anyway, wag kayong masyadong magisip kung ginagaya ni Senator Bam si Ninoy kasi genes po yan, natural po na lalabas sa pagkatao niya. Tapos pati pa talaga ang eyeglass ni Senator Bam, pinagdiskitihan mo, ang babaw lang di ba?  Para hindi ka mag isip, kausapin mo ang senador magpasama ka sa optometrist niya. 😂😂😂

Palagay ko po hindi na kailangan tanungin ni Senator Bam sarili niya if he is good enough, kasi kahit taglay niya ang Aquino na apelyido gumagawa sya ng marka ng sarili niya sa pulitika sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng tama. Didn’t you know 17 bill niya na ang naisa batas. Mga panukalang pinag isipan. Panukalang pinapakinabangan ng bayan.

At saka compared to your mylabs mga isang milyong paligo ang lamang ni Senator Bam. By the way nung Representative si my labs mo, may bill na sya na naging batas?  Parang wala no?

Minsan kasi mas maganda pag usapan yung makabuluhang bagay, ang babaw kasi ng issue binabato mo sa senador.

Anyway, ipagpatuloy mo yang kababawan mo, malay mo ikaw ang ipalit ni mylabs mo kay Sec. Judy. 😏😏😏

Inis sa Taong Mababaw,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *