Lusot sa Missing 1000

Dear Secretary Aguirre,

Napanood ko po kayo sa hearing ng budget niyo. Ang budget niyo pala ay 17.43 billion ha. Pero ayokong mag dwell diyan. Ang gusto ko po talagang pag usapan yung bribe money ng mga kabrod niyo na binayad ni Jack Lam.

Tinanong kayo ni Senator Frank Drilon about the 2 person involved at yung 50 million na bribe money. Sabi niyo wala na sa Bureau of Immigration (BI) sina Michael Robles and Al Argosino. Pero ang nakakagulat yung amount ng bribe money, from 50 million, sabi niyo 49,999,000 na lang ang nasa inyo. Luh, ano po nangyari sa 1000?

Naisip ko lang po Secretary Aguirre, mukhang mahalaga ang 1000 na nawawala eh. Kasi under the Republic Act 7659 which amends Republic Act 7080 or the Plunder Law, the minimum amount of illegally acquired wealth to qualify as plunder is P50 million.

So ibig sabihin hindi makakasuhan ang brod mo ng plunder which is non bailable. Kasi 49,999,000 na lang ang recovered money. Resibo.

Ganun kahalaga ang 1000 na nawawala. Tapos nagtry ka pang magpalusot pala, sabi mo hindi naman kayo ang nagbilang. Pero it was very clear na 50 million ang bribe money.

Hindi ko po alam kung hanggang kailan niyo po mapapaikot ang mga Pilipino.

Sabi nila, malakas daw maka balakubak ang taong nanloloko sa taong bayan. Sana hindi yan mangyari sa inyo.

Nagdadasal para May Tubuan ng Maraming Balakubak,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *