Bagong Panukala ng MMDA, Nakakaloka!

Dear MMDA Chairman Danilo Lim,

Nabasa ko po ang bago niyong proposal para maibsan ang traffic, at naloka ako.

Seryoso, hindi niyo papayagan dumaan sa EDSA pag driver lang ang pasahero ng sasakyan? Tapos yung mga heavily tinted na sasakyan paparahin at ichecheck niyo kung may kasama sa loob ng sasakyan o wala? Resibo.

Wala na ba kayong mahanap na ibang solution. Discriminating to sa mga single sa buhay. Paano kung single lang ang may sasakyan?  Hindi niyo sya papadaanin sa EDSA kasi mas pinili niyang mag -isa?  Grabe kayo ha.

Seriously, ang dami pong solution na sana puwede niyong tutukan? Eto ha recommendation lang na baka gusto niyong pag isipan.

1. Ayusin nyo MASS TRANSPORT SYSTEM, yung MRT halos 4x nasisira sa isang araw, yan sana ang bigyan niyo ng solution. Tingnan niyo to pila sa LRT nung nakaraang araw. Resibo.

Yan dapat sana ang hanapan niyo ng solution.

2. ENFORCE ROAD RULES, re-educate all citizens on road courtesy isa kasi sa nagpapatraffic ang swerving at yung ginagawang parking space ang gilid ng kalsada.

3. Ayusin ang  mga kalye sa mabilis na panahon. Kasi yung iba inaabot ng ilang taon bago matapos, tapos kahit tapos na, yung mga pison at heavy equipment nasa daan pa din, isa pa yan ang nagiging dahilan ng traffic eh.

4. Another solution is phase out ALL road-unworthy vehicles, kung yung model ay panahon pa ni Mahoma aba wag niyo nang hayaang bumiyahe.

Chairman Lim, ang daming puwedeng solution, kung mag iisip lang kayo talaga.

Yung bago niyong panukala parang unfair yan eh. Parang mapipilitan maghanap ng boyfriend/girlfriend ang mga single para hindi lang mahuli.

Di ba sabi nga “fall in love when you are ready, not because of MMDA”. Kakaloka kayo!

Yamot sa mga Tamad Mag-isip,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *