Minsan Boksingero, Minsan Sumbongero

Dear Senator Manny Pacquiao,

Political maturity is not your cup of tea no?

Sa hearing kahapon sa Commission on Appointments nakikita po talaga kung gaano kayo ka politically immature.

Nang binanggit mo na ang post ng anak ni Secretary Ubial while discussing her qualifications for appointment, kitang kita talaga you are a vindictive kind of person.

When Karl Ubial posted that comment about you,  he is just within his right sa kanyang  freedom of expression.  Rather discussing ang qualifications ng Ina, dun ka nagconcentrate sa ginawa ng anak. Luh, hindi naman si Karl ang iaappoint mo eh.

Tapos nag tag team pa kayo ni Senator Tito Sotto, binanggit mo din ang post na to ni Karl. Resibo.

Ano po ang mali sa sinabi ni Karl kay Sotto?  Hindi po ba totoo naman?  Resibo.

Nasa International news pa nga tayo noon eh.

Ang point ko lang sana hindi mo ginamit ang mga post ng anak sa pag gauge sa appointment ng nanay. Sana qualifications-base tayo.

Paano kung mabaliktad ang sitwasyon,  halimbawa mag apply nang trabaho ang isa sa mga anak niyo ng trabaho at sabihin ng nag interview.

Interviewer: Tatay mo ba si Manny Pacquiao? 

Anak : Opo 

Interviewer: Bakit niya kami tinawag na parang mga hayop noon?  (Turn out LGBT member ang interviewer)

Anak: Tatay ko naman po yun. Ako naman po ang aplikante. 

Interviewer: “Siguro pagsabihan mo tatay mo na  you will be applying for a job sa different company, paano kung ang boss mo ay member ng LGBT tapos may mga comment na masama sa pagkatao nila, especially sa panahon ngayon. Pangit naman,” 

Di ba ang sama pakinggan? But I am sure majority members of LGBT ay mga matured professionally, hindi yan gagawin nila sa anak mo kung mangyari man ang ganyang sitwasyon.

Nasa position ka, kasi pinili ka ng tao para pagsilbihan sila, hindi mo dapat ginagamit ang position na yan para maging vindictive sa sinumang pumupuna sa yo.

Kung ayaw mo naman mapuna, gawin mo ang trabaho mo ng tama. Ganoon lang po yan kasimple.

If you need suggestion pa po, just say “hi” or “you can call me anytime”. I am sure madaming tutulong sa yo. Puwede tawag, puwede chat, pero sa tingin ko mukhang mas sanay kayo sa chat eh. So chat na lang.

Yamot sa Taong Mapaghiganti,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *