Bato Sinisi ang PNP Dahil sa Pagbagsak ni Duterte sa Survey

Dear General Bato,

Balita ko sinisisi mo daw sarili mo sa pagbagsak ni President Duterte sa survey. Resibo.

Alam niyo po don’t be too hard on yourself. Group effort po ang dahilan kung bakit bumagsak ng double digit ang satisfaction ng Presidente. Let me enumerate.

1. Extrajudicial Killings, tapos nangyari yung kay Kian. Contribution niyo yun. Resibo.

2. Yung bank account ni Trillanes na peke pala. Contribution ng mga presidential adviser yun. Resibo.

3. Yung pag amin ni Duterte na nagsinungaling sya about sa bank account ni Trillanes, yun kay President ng kasalanan yun. Resibo.

4. Yung patuloy na pagmahal ng mga bilihin. At pagbaba ng investment pledge ng investors.  Economic team naman ang may kasalanan dun. Resibo.

5. Yung mga paulit-ulit na fake news at kapalpakan ng PNA, ang may gawa noon syempre sila Andanar.

6. Tapos ang traffic hindi pa rin maayos at ang MRT. Contribution naman yan ni Tugade. Resibo.

All I am saying kung bumagsak man ang satisfaction ni Duterte, hindi lang po PNP ang may kasalanan kung hindi most of the departments sa Office of the President.

Group effort po ang nangyari, so wag nang magdrama. Hindi naman kayo qualified sa Famas or sa Urian kasi hindi kayo artista.

Maybe its time for the president na baguhin ang patakaran at pamamalakad kasi madami na ang nagrereklamo.

Yamot sa Dramatistang Hindi Naman Artista,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *