Wanted: History Teacher

Dear Speaker Alvarez,

Di po ba lawyer kayo?  I am sure po, pinag aralan niyo po ang mga Martial Law cases.  Kanina nabasa ko po to.

Luh sya, nung Marcos era baka highschool or college palang nun si Chairman Gascon. Parang kayo yata ang tabingi ang utak po.

Sa mga hirit niyo po it only shows na hindi niyo alam ang mandato ng CHR. Or alam niyo po, pero pilit niyo lang binabaliko para majustify ang pambabalahura niyo sa kanila.  Di ba tinuturo po yan sa sa law school? Siguro maiintindihan ko kung kay Ate Mocha galing ang hirit na yan, pero kung sa inyo galing, nakakalungkot, kasi ang dialogue ng mga troll ay ginagawa niyo din.

Base sa history, nacreate ang Commission on Human Rights, noong 1987, si Cory na Presidente noon. So bakit niyo po hahanapin si Chairman Gascon sa Marcos era?

Yung intelligence fund yata ng Kongreso ang kailangan bawasan kasi yung iba sa inyo paminsanminsan lang naman ginagamit ang intelligence nila.

Hindi Bobo sa History,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *