Aroganteng Mayor

Dear Congresswoman Lucy Torres,

Pakisabi sa asawa niyo wag po masyadong mayabang. Pinadala tong screenshot na galing sa IG post niyo po.

Tinatanong lang kayo ng mga constituents niyo kung ano ang boto niyo dun sa CHR 1000 budget. A simple Yes or No would suffice.  Pero po itong asawa niyo, sumagot ng pabalang.

Sabi niya po, ” The Congressman voted for what is good for their districts. That is why they called representative, they represent their own district. Sana tumakbo na lang din kayo para ang ingay niyo sa social media, dalhin nyo sa Kongreso.”

Ms. Lucy hindi nag iingay lang ang constituents mo, they are asking you a valid question, na sana sinagot mo na lang instead of letting your arrogant husband answered the question that was intended for you.  At tanong lang po, paano po naging good sa constituents niyo po sa Ormoc ang pagbibigay ng 1000 na budget sa CHR?

Tapos di pa nakuntento asawa mo sa pagiging arogante, sinabihan pa niya ang nagtatanong sa yo na ” “Really, which area are you from and I’ll check if you are speaking the truth “

Ganun ba ang pamamalakad niyo sa distrito niyo, pag may pumupuna sa yo sa social media, ipapahanap niyo?

Base from the answer of your husband, mukhang “Yes” nga ang boto niyo po. Well, I am not surprise, kasi nga di ba you also voted YES sa death penalty?

Devoted Catholic and a Marian devotee too, tapos bumoto ng YES sa death penalty at sa pambabalahura sa ahensyang nagpoprotekta sa karapatang pantao?  Parang oxymoron lang no?

Well, dalhin niyo po yan sa konsensya niyo ang mga decision niyo. Kay God ka naman answerable eh.

Inis sa mga Hypocrites,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *