Walang Resibo, Isang Pasasalamat Lang

Dear KaPAB,

Happy New Year po sa lahat!

Ang daming nangyari sa 2017. Parang nakasakay sa roller coaster ang Pilipinas. Sabay sabay tayong nayamot, umiyak at tumawa.

Ang dami kong naging bagong kapamilya at naging kaibigan, outside and inside the page.

Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat sa suporta na binigay niyo sa akin. Sa bawat comment at message niyo, sobrang naaapreciate ko po yun. Kayo po ang nagsisilbing lakas ko sa pakikipaglaban sa fake news at sa kakulangan ng administrasyong ito.

May mga gabing, umiiyak din ako at nahihirapan pag sobrang below the belt na ang atake, yung mga comment niyo at message niyo ang binabalikan ko para hindi ako panghinaan ng loob. Kayo po ang nagsisilbing lakas ko po sa bawat blog na ginagawa ko. Sa bawat salita na lumalabas kayo po ang nasa puso ko.

Hindi po perpekto ang nakaraan ko, may mga panahon na nadapa din po ako at nagkamali at pinagsisihan ko lahat yun. At maaari din akong magkamali sa mga susunod na araw kasi hindi po ako perpekto, kung dumating man po yun, babalikan ko uli ang inbox ko kasi alam ko nandoon kayo magpapa alala sa akin na mali ang ginagawa ko.

Sa darating na 2018, alam ko po mas maalon ang tatahakin nating paglalayag, sama-sama pa rin tayong makikipag laban para sa bayan. Dahil kung wala kayo, wala din si PAB. Kayo ang pinaghuhugutan ko po ng lakas.

Huwag nating pabayaan ang bansa natin mapunta sa pusali. Patuloy tayong mangangalampag para marinig ng gobyerno ni Duterte kung ano ang kanilang pagkukulang. Hanggang baguhin nila ang madugong pagbabagong ginagawa nila.

Gawin natin ito para sa pamilya natin at para sa mga anak at magiging anak natin.

Sa darating na 2018, naway makamit natin ang inaasahan na pagbabago ng bawat Pilipino.

Maligayang Bagong Taon sa lahat!

Patuloy na Lalaban,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *