Marcos: Makapal ng Mukha

Dear President Duterte,

Hanggang kailan babalahurain ang mga Pilipino? Bagong taon, eto talaga ang unang salvo. Isang dokumento ng compromise agreement na nagbibigay ng immunity sa mga Marcos ang nagkakalat sa social media. Resibo.

As early as June 17, 2017, meron na palang ganito. At eto ang laman ng dokumento.

Tapos na notaryohan ng Sept 17, 2017. Di ba ang anniversary ng Martial Law September 21? Talagang sobra ang pambabastos. Eto ang laman ng compromising agreement.

Social Justice? Ang kakapal ng mukha niyo para pag usapan ang social justice. Ang mga pinatay during martial law ay magpakailan man hindi na mabibigyan ng kahit anong klaseng hustisya. Ito ay iilan lamang sa mga tinorture at ginahasa bago pinatay. Resibo.

Compromise Agreement? At gagamitin ang mga nagdaang kalamidad para majustify ang pagbalik ng perang ninakaw nila? Resibo.

Immunity from suit? Mr. President, magnanakaw sila. Bilyones ang ninakaw nila. Pinakinabangan nila ng ilang taon. Hanggang ngayon binabayaran ng bawat Pilipino ang inutang nila. After Marcos administration, halos lubog sa utang ang Pilipinas, tapos ngayon, immunity? Pinagloloko niyo ba kami?

Eto ba ang dahilan kung bakit ang mga alipores mo sa House of Representatives pilit ini approve ang pag abolish ng PCGG? Para mapadali ang compromising agreement na to? Resibo.

Kung totoo ang lahat ng papers na to, ang kakapal ng mukha niyo kasama ng mga aso mo na si Calida at Aguirre.

Malaki man ang utang na loob mo sa mga Marcos wala kang karapatan ipambayad ang  hustisya para sa mga namatay noong Martial Law. Ninakawan ang Pilipinas at pinakinabangan nila ng ilang dekada, tapos mapapawalang sala lang?

Wala kang puso, utang mo, taong bayan ang magbabayad? Mula sa simula pansariling interest lamang umiikot ang pamamahala.

May change is coming ka pang nalalaman, tse! Neknek mo!

Galit sa mga Magnanakaw at Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *