Walang Abuse ba kamo, Cayetano?

Dear Secretary Cayetano,

Balita ko nagyabang daw kayo sa mga diplomats na walang nangyaring pang aabuso sa Martial Law sa Mindanao?

Exhibit A

Etong tao daw na to ay hinuli ng army at ngayon ay nasalvage daw.

Ngayon ayon sa paliwanag ng Philippines Defense Forum,

Etong Maute suspect ang nakahuli ay army daw, pero he was turned over to PNP personnel for proper disposition. At huli syang nakita under the custody of the PNP. Ayun daw sa impormasyong nakalap, nanlaban daw ang suspect kaya binaril.

Masisisi mo ba kung ang ibang tao ay against sa Martial Law?

So nagsimula na ang “nanlaban” story sa Mindanao. Kung gaano man katotoo ang post na to, Sir,  ang point ko lang kung suspected Maute talaga sana naimbestigahan at nakuhanan ng impormasyon at saka kinulong.

Sana, Secretary Cayetano mag imbistiga  muna kayo bago magyabang. Pumunta kayo ng Marawi, para malaman nyo ang totoong sitwasyon.

Baka magaya na naman yan sa EJK, na pinili nyong maging bulag.

Nagmamalasakit,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *