May Kongreso pa Ba?

Dear Cong. Fariñas at Speaker Alvarez,

Pareho kayong may alam sa batas, pero halos binali nyo na ang constitution para lang mailusot ang Martial Law na hindi nyo pinagdidiskusyunan kung sapat nga ba ang dahilan para ideclare to.

Speaker Alvarez, nahiya naman po ang mga nagpapasweldo sa inyo at sinabihan nyo pa talagang “shut up”

Just so you know, hanggang ang nagpapasweldo sa yo ang taong bayan karapatan namin magsalita kahit hindi kami taga Mindanao.

Pinapasweldo ka na nga namin tapos kami pa gumagastos sa pamasahe ng kabit mo. Tapos ngayon aalisan mo kami ng karapatan magsalita?  Kapal ha.

At ikaw naman po Cong. Fariñas, ano tong pinagsasabi mo?

Alam mo ba ang legislative functions?  Ang check and balance?  Kaya kayo nandiyan para talakayin ang declaration of Martial law ng presidente at tingnan kung sapat ba ang kanyang dahilan . If hindi sapat, you have the power to revoke and under the constitution, dapat sumunod sa recommendation nyo si Duterte.

Ang hirap sa inyo sa kagustuhan nyong sumipsip kay Duterte, pati functions nyo as legislative ay kinalimutan nyo. Sa kagustuhan nyong mapaluguran ang Poon pati batas binabali nyo.

Magtrabaho naman kayo ng tama!

Imbiyerna sa mga Sipsip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *