Tinanggihan mo, Hindi Naman sa yo

Dear President Duterte,

Balita ko po tatanggihan niyo po ang EU grant sa bansa natin. Resibo.

Bakit naman po? Hindi niyo ba po alam na ang maapektuhan niyan ang mga Pilipino? Eto ha iisa-isahin ko po kung ano ang magiging epekto ng tantrums niyong yan.

1. EU po ang isa sa mga pinakamalaking Donor sa Official Development Assistance. Resibo.

Ayan po oh. $227.31 million na tulong without an interest ang binibigay sa atin ng EU. Ayon pa sa report

Bulk of the current aid has gone to Muslim communities in Mindanao where the EU has been active in funding peace- and development-related initiatives.”

Ngayon po kung tatanggihan niyo po yun, san niyo po kukunin ang pamalit niyan? Uutang uli sa China? Na may malaking interest? Hay naku.

2. Ang EU po ay ang second top export destination ng Pilipinas. Resibo.

Eto ha sa first quarter palang ng 2017, alam mo ba kung ilan na ang naexport natin papuntang EU?  $901.24 million worth of products ! Isipin mo nakakapag export tayo sa EU ng mga produkto na tariff free. Kasi nga the Philippines enjoying the benefits of its EU GSP+ status (Special Incentive Arrangement for Sustainable Development and Good Governance). So sa tingin niyo po ano ang kakahinatnan ng mga negosyante pag tuluyan niyong inaway ang EU? Nganga!

3.  Europeans are also the 3rd largest group of foreigners visiting the Philippines, next to the Americas and Asia. Resibo.

Ngayon sa paulit ulit niyong pambabastos sa kanila, walang saysay ang “bring home a friend” program ni Secretary Wanda Teo.  Kung mga foreigners from EU country ay di na pumunta dito, malaki ang magiging epekto nito sa tourism at economy.

4. Kung hindi niyo po alam ang EU po ang Top 4 na source of OFW remittance sa ating bansa. You know, yung OFW na sumuporta sa yo? Resibo.

Remittances remain a main driver of private consumption and give Filipinos more puchasing power to afford products and services.”

Paano na lang kung wala ang EU, naiisip niyo po ba ang epekto sa mga OFW na mga Pilipino na nandun? Sana man lang bago kayo magpabigla bigla ng kuda, mag isip muna or magtanong. Mga Pilipino ang napapahamak sa bibig niyo eh.

5. Alam niyo ba na ang EU ay isa sa, mga top investors natin? Next to Japan and Asean. Resibo.

Pag may investors, may negosyo, pag may negosyo may trabaho, madaming mga Pilipino ang nagtatrabaho under sa mga kompanyang invested by EU.

Akala ko ba kapakanan ng bansa ang iniisip niyo po? Bakit po basta basta na lang kayo nagsasalita ng hindi man lang nag-iisip?

Tinanggihan mo ang aid, bakit sa yo ba yan, ha? Luh grabe sya, sa mga Pilipino yan no. Sana inisip mo ang bayan bago ka nag tantrums sa EU, tse!

Daming kuda, na hindi pinag iisipan.

Yamot sa Madaldal na parang Hindi Nag-iisip,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *