Defend the Fourth Estate

Dear KaPAB,

Napapansin niyo po ba na sa administration ni Duterte, may tatlong grupo, aside sa tinatawag na Dilawan, ang paboritong gawan ng fake news, balahurain at idemonized ng mga political propagandist.

Una, ang Commission on Human Rights. Lagi nilang ginagawan ng fake news at laging binabastos. Resibo.

Yun pala imbento at fake news lang kasi naglabas na ang CHR ng statement. Resibo.

Ang pangalawang paborito nilang siraan ay ang simbahang Katoliko. Resibo.

Pero ang totoo, nagbigay ng pahayag ang simbahan na walang katotohanan ang pinagkakalat nitong mga Duterte pages.

CHR and simbahan, may something in common sila, eto ay ang pagtutol sa Extrajudicial Killings, ang walang pakundangan na pagpatay sa mga inosente.

Ang pangatlo na nakaranas ng sobrang paninira na galing mismo sa mga bloggers ng administrasyon na to ay ang media o ang tinatawag na FOURTH Estate.  Eto mga resibo.

 

Iilan lamang yan sa mga paninira at pambabastos na ginagawa nila sa mainstream media.

Hindi ko alam kung bakit nila to ginagawa, samantalang ginagawa lamang ng mga taong to ang trabaho nila.

Nang ininterview ni Don Tagala si Honeylet Avanceña pinagbabastos ng mga trolls ang facebook ni Don Tagala. Magpahanggang ngayon, ayaw pa rin syang tigilan. Resibo.

Paanong binastos? Eh ginawa lang naman ng reporter ang trabaho niya, ang magtanong. Hindi kasalanan ni Don Tagala kung ano ang sagot  ni Ms. Honeylet.

Nang sinamahan ni Jam Sisante si Trillanes sa Singapore para icover yung pagpatunay ng senador na peke ang account na sinasabi ng Presidente at ni Ate Mocha, pinagbantaan din ng mga trolls ang kanyang buhay. Resibo.

Nung nagsalita si Karen Davila about sa hearing ng shabu sa BoC binastos din nila. Resibo.

Ang dami pang instances na binastos at pinagbantaan ang mainstream media ng mga trolls at bloggers. Hindi ba nila naisip na trabaho ng mainstream media na ireport kung ano ang tunay na nangyayari.

Ang problema kasi gusto ng mga bloggers na ang ireport lang kung ano ang magandang nangyayari at kung ano-ano mga kaechosan na hashtag nila.

Sa dami ng pagkukulang ng gobyernong ito, hindi puwedeng maging bulag ang media. Kasi ang katotohanan ang magiging proteksyon ng taong bayan. Media ang kakampi ng taong bayan para malaman kung ano ang tunay na nangyayari sa ating bansa. Oras na para ipagtanggol natin sila sa pambabastos ng mga trolls.

Mga KaPAB, sama sama nating labanan ang fake news. Natutuwa po ako pag nagmemesage kayo sa akin ng mga inaakala niyong fake news. Maraming salamat po.

Magtulungan tayo sa pagsugpo ng kasinungalingan. Ibalik natin ang tamang values ng mga Pilipino. Maaring iilan lang tayo dito sa PAB, pero naniniwala ako na maririnig din ang boses natin, basta sama-sama.

Patuloy na Lalaban para sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *