Seriously, Asec. Lorraine Badoy?

Dear Assistant Secretary Lorraine Badoy,

Hindi ko alam kung matatawa po ako or maiinis kung paano niyo po, pinagtatakpan ang pagkukulang ni DigongMyLabs niyo po. This is your post po.

Let me answer you po ha.

Sabi niyo po, Duterte is not the government, he is just part of it. Kaya dapat hindi sya sisihin sa pagbibigay ng lower house sa 1000 na budget para sa Commission on Human Rights.

Ms. Badoy, may mga ilalatag lang po ako na detalye ha, baka kasi hindi niyo nabasa.

Alam niyo po ba na si Digong my labs niyo po ang unang nagsabi na gusto niyang iabolished ang CHR? Resibo.

Alam niyo po ba na ang CHR ay independent body sana from executive pero sabi ni Digong my labs mo, kailangan bago imbestigahan ang mga EJK cases, ay humingi muna sa kanya ng request?  Siya lang ang bukod tanging nambalahura sa independence at impartiality ng CHR. Resibo.

Alam niyo po ba na si Duterte ang nagsabi na wag ibigay sa CHR ang report ng mga EJK cases sa CHR? Kung walang maling ginagawa bakit ayaw niya ibigay ang mga reports. Resibo.

Alam niyo po ba na ang pulis ngayon ay may instructions na din na wag ibigay sa media ang mga spot reports ng mga EJK cases? So yung FOI na pinagmamalaki niyo po ay walang silbi. Resibo.

So saan po dito ang participatory democracy?  Kung ang lahat ng information ay itatago.

Ang supermajority sa lower house ay nakadepende sa pork barrel na ibibigay sa kanila kaya kung ano ang sabihin at kagustuhan ng Presidente, parang mga tuta na sunod lang ng sunod. Walang pagkakaiba sa upper house, na kahit wala na sa hulog pinagtatanggol pa rin si Duterte at pamilya niya from smuggling to shabu case.

So paano niyo po masasabi na meron pang participatory democracy? E halos lahat ng sangay ay kontrolado ng Presidente. Ngayon may impeachment na ginagapang against Chief Justice Sereno, for what?  Para makontrol na din ang hudikatura? Is that democracy to you Asec. Badoy? Yung kontrolado ng iisang tao?  That is dictatorship po. Or even tyranny.

Maaring ikaw puwede niyo pong lokohin ang sarili niyo na walang kinalaman si Duterte sa pambalahura sa karapatang pantao, pero hindi ang taong bayan.

Maglokohan kayo ng kapwa niyo propagandista, puro ang taong bayan unti unti nang namumulat kung ano ang kalagayan ng bansa. Kung dati naloloko niyo sila sa fake news, hindi na ngayon. Kung dati nadadala mo sila sa mga mabulaklak mong pananalita, hindi na nila nababasa yun, kasi ang nakikita nila ay dugo ni Kian, dugo ni Karl at dugo ng 13,000 biktima na pinatay na walang awa ng administration ng Digong my labs niyo po. Baka kailangan niyo na ding magising.

Nagsisimula na silang magsalita. Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!

Patuloy na Lalaban sa Kasinungalingan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *