Lies, Lies and more Mocha Lies

Dear Ate Mocha,

Pinanindigan mo na talaga na reyna ka ng fake news no? Eto ang post mo.

Pilit mong sinisiraan ng media. Tinawag mo silang “Presstitute” samantalang ginagawa lang naman nila trabaho nila. Sabi mo hindi binalita ng media ang and pekeng pasabog ni President Duterte. Base from my research almost all media units covered and published it.

Eto po ang ebidensya.

Eto ha, matanong lang kita, nagbabasa ka ba? Or hirap kang umintindi? Or talagang saksakan ka lang ng sinungaling. Bakit mo dinedemonized ang media? Para ipalabas na ikaw lang ang legit news? At ikaw ang tunay na media? You can never be one of them. Alam mo kung bakit? Kasi balahura ka, may ethics na sinusunod ang mga media practioners, something that you don’t have.

Kung ang layunin mo lang naman ay puro magandang balita sa Presidente mo, maghire ka ng kulto, oppps! meron na nga palang troll farm.

Ang masakit lang dito, kasi buwis ng bayad ang sinasahod mo. Parang nagbabayad ang mga Pilipino ng taong lolokohin lang sila.

Ang hindi ko rin maintindihan kung bakit tinotolerate ni Martin Andanar, ang pagka sinungaling mo. Para lang ginagago niyo ang taong bayan, sa mga kapalpakan at mga kasinungalingang binibigay niyo.

Uulitin ko ha, hindi ako galit kung hubadera ka dati, hindi din ako galit kung ang pagpapalamas ng dibdib ang kinabubuhay mo dati, hindi ako galit kung ang pagdukot sa ari ng mga lalaki ang hanapbuhay mo dati. Nakaraan mo yun, wala akong pakialam dun.

Galit ako kasi balahura ka, galit ako kasi sinungaling ka, galit ako kasi niloloko mo ang taong bayan na nagpapasweldo sa yo, galit ako kasi wala kang delikadesa kasi kahit alam mo na puro kapalpakan ang ginagawa mo, kapit tuko ka pa rin sa pwesto.

Yamot sa Balahurang Walang Delikadesa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *