Sagot Ni Ellen T. Tordesillas Tungkol Sa Sinabi Ni Pangulong Duterte

Dear President Duterte,

After niyong sinali sa Matrix si Ma’am Ellen Tordesillas at napublish pa sa Manila Times, ngayon may bago na naman kayong hirit.

 

 

Eto po ang sagot ni Ma’am Ellen sa inyo:

SAGOT NI ELLEN T. TORDESILLAS TUNGKOL SA SINABI NI PANGULONG DUTERTE NA SIYA AY MAY KANSER AT NANGHIHINGI SIYA NG PERA

Nagugulantang ako sa mga maling impormasyun na pinagsasabi Pangulong Duterte tungkol sa akin.

Para sa tamang kaalaman ni Duterte ito ang totoo:

1. Wala na akong kanser. Matagal na akong gumaling sa sakit na kanser. Taong 2003 pa.

2. Kahit noong ginagamot ang aking kanser, hindi ako humingi ng pera sa ibang tao. Ang tumulong sa akin ay si Jake Macasaet, ang yumaong publisher ng Ang Pahayagang Malaya, kung saan ako nagtatrabaho noon.
May dalawang senador na kahit hindi ako humingi, sumulat sa Philippine General Hospital, kung saan ako nagpapagamot, at nagsabi i-credit sa kanilang Priority Development Assistance Fund ang aking bill sa kuarto. Walang cash na binigay sa akin.

3. May dalawang politiko na nagpadala ng cash sa akin. Ibinigay ko ang pera sa PGH Medical Foundation na tumutulong sa mga mahihirap na pasyente sa PGH. Ipinadala ko sa dalawang politiko ang resibo.
Palagi ko sinasama sa aking dasal ang kapakanan ng ating bayan, na sana katotohanan ang mananaig sa isip ng bawat isa sa atin kasama na si Pangulong Duterte.

Ellen T. Tordesillas
President
VERA Files

Mukhang nag imbento na naman kayo, Mr. President gaya ng lagi niyong ginagawa.

Tsk. Tsk. Tsk.

Yamot Sa Fake News,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *