Bayani: Sagot ng gobyerno ang airfare sa Japan

Dear KaPAB,

Umamin na si Bayani Agbayani na yung pamasahe niya ay sinagot ng gobyerno.

 

 

Nakakalungkot lang na baliko ang priority ng gobyernong ito. Matagal na dapat may increase ang mga guro natin. Sa junket ang bilis magsama ng chuwariwariwap pero pag sa sweldo ng mga guro pag iisipan pa.

 

 

Pag sa junket mabilis ang pondo pag sa classroom ng mga teacher, wala?

 

 

Minsan malulungkot ka sa mga desisyon na ginagawa ng gobyernong ito. Sabihin man ni Bayani na ticket lang pero yung 4 days na tira nila doon, sino ang nagbayad ng accommodation?

Libre man ang iyong talent fee at nagpasaya ka, pero may mga guro na sa banyo nag oopisina. May Marawi na hindi pa nasisimulan ibalik sa dati.

 

Yung halagang 40-50k na pamasahe ng mga artista na dinala sa junket, ilang classroom na ang puwedeng magawa noon? Ilang sakong bigas na ang puwedeng ibigay sa mga Marawi evacuees?

May tawag kasi doon eh. Delikadesa.

 

Yamot Sa Mga Pahirap Sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *