Pinoy Ako Blog: Secretary Wigguere

“Secretary po siya ng DOJ, sana po hindi siya nagsasabi ng mga kasinungalingan. Kasi iyon po talaga, kasinungalingan.” VP Robredo

Bilang isang abogado, hanggang kailan kaya sisikmurain ng isang tao ang magsinungaling?  Bilang isang abogado hanggang kailan sisikmurain ang maging sunod sunuran kahit alam mong MALI na ang pinapagawa sa yo ay gagawin mo pa din at kahit alam mong hindi na alinsunod sa legal ethics na pinag aralan mo sa loob ng apat na taon.

Bilang DOJ secretary ano nga ba nagawa ni Wigguere?

  1. Pinalitan ng SAF ang BJMP,  pero may mga kontrabando pa din sa loob ng Bilibid.
  2. Nakatakas si Peter Lim.
  3. Pinawalang sala ang mga drug lord para lang makasuhan si DeLima.
  4. Namatay si Mayor Espinosa under his watch.
  5. Nakatakas si Jack Lam.
  6. Nakatakas ang 10 Chinese nationals illegal workers.
  7. Corruption sa BI. Mga brod pa nila.
  8. Ngayon naman,  nagpapakalat ng kasinungalingan para siraan si VP Leni.  Kesyo nagkita daw si VP at si Loida Lewis.  Kesyo reliable daw source niya. Kasing reliable ba ng wig niyo, Sir?

Secretary,  mahiya po kayo sa mga classmate nyo at teacher sa law school, nakalimutan nyo na yata ang mga Canon Law nyo. Mahiya po kayo sa anak at mga apo niyo. Hindi magandang halimbawa ang nagsisinungaling.  KUNG TOTOO PO ANG SINASABI NYO, SAMAHAN NYO PO NG EBIDENSYA. Puro lang kayo mema e. Nagtatrabaho ng matino ang VP sinisiraan nyo. Para ano?  Para magpa bilib kayo sa Presidente? O utos niya yang paninira nyo para mapagtakpan ang pagbebenta sa West Philippine Sea.

Yung paninilbihan nyo sa bayan ay kasing peke po ng buhok nyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *