An Open Letter to Vice President Leni

Hi VP Robredo!

Matagal ko na pong gustong gumawa ng sulat para sa inyo. Una po sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa pagsisilbi pong ginagawa nyo para sa bayan.  Hindi biro po ang pinag dadaanan nyo bilang isang INA, BABAE at higit sa lahat bilang TUNAY na VICE PRESIDENT na niluklok ng taong bayan.

Bilang isang INA nakita ko po kung paano niyo inaruga sila Aika, Tricia at Jillian. Mula pong nawala si Secretary Jessie, mag isa nyo na pong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanila. Alam ko po na minsan nasasaktan kayo lalo na pag nadadamay sila sa dumi ng pulitika.  Siguro po sobrang sakit po nung pati ang bunso nyong si Jillian ay nabash nung isang doctor. Pero alam ko po mas pinili nyo pong magpatawad.  Saludo po ako sa inyo sa puntong yun.

Bilang isang BABAE, nakita ko po kung paano kayo nagpakatatag sa mundo ng pulitika na halos majority ay kalalakihan.  Kahit po nung time na binastos kayo ng mismong pangulo,  pinili nyong maging mahinahon. Patuloy kayong nagpakumbaba nung miyembro kayo ng gabinete, kasi mas inisip nyo na mas importante ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa inyong nararamdaman. Tiniis nyo lahat hanggang kaya nyo. Sumuko lang kayo nung pinadalhan kayo ng text message na wag nang dumalo sa Cabinet meeting.
Kung tutuusin isang uri yun ng pambabastos,  pero muli sa di na mabilang na pagkakataon mas pinili nyong maging professional at magresign ng pormal. Kasi yun ang dapat. Bilang isang babae pinakita nyo sa amin ang tapang at malasakit. Puwedeng maging matapang, na hindi nambabastos at puwedeng magpakita ng malasakit ng sa mamayan kahit ano pa ang balakid na nakaharang.

Bilang isang BISE PRESIDENTE,  pinakita mo sa amin kung paano maging matatag sa gitna ng pagsubok. Hindi biro ang pinag dadaanan nyong batikos galing sa mga bayarang troll ng DuBong.  Nag combined forces pa si Mocha, Sasot, Lorraine Badoy at ang balahurang si Thinking Pinoy. Mula sa sapatos hanggang sa edited picture.  Mula sa mga anak nyo hanggang sa pagiging babae niyo hinanapan ng paninira ng group of demons na mga yan.  Pero ni minsan di ko po kayo narinig na gumanti ng pambabastos. Kung tutuusin na sa inyo na ang lahat ng karapatan para magalit at gumanti, pero mas pinili nyong manahimik at magtrabaho ng tama. Kasi para sa inyo mas importante ang hinaing ng mga nasalanta kaysa sakit na nararamdaman nyo sa walang katapusang pambabatikos.  Instead of fighting back, you chose to work hard. Nakikita ko kung paano kayo nakakarating sa far flung areas para maiabot ang tulong sa mga kababayan natin na nasa laylayan ng lipunan. Kanina muli na naman kayong binastos ng Malacañang. Ang traditional na Vin D Honnuer na dapat imbitado ang ikalawang pangulo ay muli binalewala ng administrasyong ito. Takot or insecure po yata ang Presidente, sa inyo Vice President. ???

Ma’am, wag po kayong susuko ha. Wag niyong hayaan maagaw ng hirap na maka move on na si BBM ang position ng VP. Nandito lang po kami laging nakasuporta sa inyo. Ang dami pong nagdadasal para po sa inyo. Kailangan po namin ang isang katulad nyo po sa bayan natin na nababalutan ng dugo at kadiliman.

BILANG INA, BABAE, AT BISE PRESIDENTE, LUBOS PO KAMING HUMAHANGA AT NAGPAPASALAMAT SA PAGMAMAHAL NA BINIBIGAY NYO PO SA ATING BANSA.

TULOY ANG LABAN, PARA SA KATOTOHANAN… PARA SA BAYAN.. PARA SA MAMAMAYAN..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *