P1000 Budget ng CHR

Dear Speaker Alvarez and the 119 Tsuwariwariwap,

Masaya na ba kayo kung paano niyo binalahura ang karapatang pantao ng bawat Pilipino?

Sabi niyo kaya isang libo kasi hindi nila ginagawa trabaho nila. Ano ba ang trabaho ang tinutukoy mo?  Ang pagsipsip sa kay Duterte gaya ng ginagawa nyo po?

Ikaw po yung counterpart ng bully sa isang eskwelahan. Para makapang api ng kapwa ginagamit ang kapangyarihan. Tapos may uutusan na tsuwariwap gaya ni SAGIP Rep.  Rodante Marcoleta para gumawa ng dirty job for you.

Binalahura niyo ang karapatang pantao ng 103 milyong Pilipino. Binigyan niyo ng halaga ang bawat buhay nila na .000009 bawat isa. Samantala ang buwis namin ang nagpapasweldo sa inyo, pero ang karapatan naman namin ang binalahura niyo.

Salamat dito sa mga Kongresistang kumontra sa kasamaan niyo.

Nagtagumpay man kayo sa maitim niyong balak, tatandaan namin ang bawat pangalan ng 119 na tsuwariwariwap niyo.

Pag sa Tokhang 900,000,000? Pero sa karapatan ng bawat Pilipino, isang libo?

Wala kayong mga konsensya. Sana abutan kayo ng karma. Sana multuhin kayo ng mga 13,000 namatay sa EJK. Sana dalawin kayo, gabi-gabi.

Nagngingitngit sa Kademonyohan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *