An Open Letter to Senator Cynthia Villar

Dear Senator  Cynthia Villar,

Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinis sa sa statement niyong ito.

Sino ang sisira sa yo eh kayang kaya mo nang gawin yan all by yourself. Sinisiraan ka kasi hindi ka pumirma? Eh totoo naman na hindi ka pumirma di ba?  Ikaw ang kaisa isang babaeng Senador ang hindi  pumirma sa pag pigil sa pagpatay sa kabataan.

Matagal mo na kayang sinisira sarili mo, nung plinano mo palang ipaban ang unli rice, sira ka na. Resibo.

Pati si Mang Inasal apektado. 😂😂😂

Wag ka nga. Ang dami niyong kudang pito. Kesyo hindi alam, kesyo siniraan. Bakit inutusan ba kayo ni Senator Bam at Senator Risa na hindi pumirma?  Ngayong alam niyo na na may resolution, pumirma ba kayo?  Hindi naman di ba?

Wag ilihis ang usapan. Bakit ang mga kasamahan niyo sa super majority pumirma? Sisihin niyo sila kung bakit hindi sinabi sa inyo.

Wag niyong isisi sa iba ang kapalpakan niyo. At saka di ba supermajority kayo? 6 senators lang ang nasa minority tapos gagawa gawa kayo ng kwento na sinisiraan kayo?  Luh, kwentong barbero. Fake news.

Wag mong iban ang unli rice, pampadagdag yan sa sustansya sa brain, dagdagan niyo na rin ng iodized salt, pampatalino kasi yun.

Yamot sa Tsismosang Frog,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *