Daming Kuda, Hindi Naman Pumirma

Dear Senator Tito Sotto,

Pinagtiyagaan ko talagang pakinggan ang 11 minute privilege speech niyo. Sagutin ko lang po kayo ha. Kasi pumuputok ang galit niyo sa #SilentNoMorePH.

Una, nagalit ka, kasi bakit sinabi ng Silent No More ito.

Nagalit ka, kasi sinabi na “Did not Sign ” . Luh totoo naman di ba na hindi ka pumirma, so anong mali doon, aber?

Nagalit ka kasi tinawag kang dog? Alam mo ba yung Figures of Speech?  Aralin niyo po. Kasi di ba ang aso laging  sunod ng sunod sa amo, at taga tahol kung may kumokontra sa amo. Now, tanungin niyo po sarili niyo, ” Aso ba ako? ” Aw! Aw! Aw!

Sabi mo di ka rapist, ok. Pero ano ba talaga ang nangyari kay Pepsi Paloma po dati?  Totoo po ba na pinakialamanan niyo ang rape case kaya hindi natuloy ang kaso? Kung totoo, eh di parang kasama na din kayo sa nanggahasa kay Pepsi kasi kinunsinti niyo po. Now, tanungin niyo uli sarili niyo, “may kinalaman ba ako sa kaso ni Pepsi Paloma?”

Nagalit kayo kasi sinabihan kayong plagiarist. Sabi mo wala kang ginaya. Resibo.

Need I say more? Now, ask yourself again, “Gaya-gaya, puto maya ba ako?”

Ngayon yung reason mo na wala ka at hindi dumaan sa yo ang papel at kesyo hindi mo alam. Hindi yan magandang alibi, si Senator Leila nga na nasa kulungan nakapirma, ikaw pa na malaya hindi mo alam? Resibo. 

Dami niyong kuda, hindi ka naman pumirma. So ngayon alam mo na, pumirma po ba kayo?  Nganga.

Wag po kami Tito Sen, sa iba na lang kayo magmarakulyo. Arte -arte.

Yamot sa Dramatistang Mema,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *