Open Letter to Ms. Kris Aquino

Dear Ms. Kris Aquino,

How to be you po? Ang galing niyo pong sumagot sa mga batikos. Wit, class and charm all in one. Hindi niyo pinatulan si Ate Mocha nung binalahura po kayo. Resibo.

Mas pinili niyong to take the high road. Pero humanga po ako kung paano niyo po sinagot ang fake news na pinapakalat po tungkol sa inyo. Resibo.

Ang ganda po ng pagkasagot niyo. Punto por punto you debunked the fake news. Humble and yet may kagat. Resibo.

You compare yourself sa social media with Mocha, you maybe a newbie but your followers ay organic. No bots and trolls. People follow you kasi they love you, they like your values. At di ba po ang Gucci ngayon is slowly catching up. You will fly high in the social media world soon. You know why? Kasi mabuting tao ka po. Wala ka pong sinaktan at inapakan na tao, kaya sumara man ang ibang pinto, binuksan naman ni Mama Mary at ni Jesus ang bubong, para ang blessing na matatanggap mo ay siksik, liglig at umaapaw pa rin.

I understand po, wala pa sa isip niyo ang politics, pero kung sakali mang dumating ang point na gusto niyo pong pumasok sa politics, buong puso ko po kayong susuportahan.

Maraming salamat po sa pag set nang good example sa tamang pagbayad ng buwis. Maraming salamat po sa pagset nang good example bilang isang mabuting ina kina Josh at Bimb. Maraming salamat po sa pag set nang good example kung paano maging God fearing, family oriented and good entrepreneur.

You will always be the Queen po. Sana po makasama namin kayo sa laban sa katiwalian at fake news.

Humahanga ng Sobra,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *