Administrasyong Sarswela

Dear President Duterte,

Yung administrasyon niyo mula sa simula, walang bukam bibig kung hindi, druga, druga, druga. Yun ang flag bearer ng partido niyo eh. Tapos, ngayon nangyayari to? Resibo.

Di ba sabi niyo po dati, “whiff of corruption” lang tanggal agad? At mapaparusahan? Resibo.

Ngayon napawalang sala pa. Alam niyo ba ang masakit sa ginawa niyo? Ang mga mayayaman na involved sa BoC shabu scandal, abswelto. Pero yung mahirap na caretaker lang ng warehouse may kaso? Nakakaawa naman si Mang Fidel. Resibo.

Pero itong mga taong to na mayayaman ay patuloy na nakakalaya. Resibo.

Ngayon ko napatunayan na kalokohan lang ang inyong programa sa droga.

“Ordinary citizens with small amount of drugs get killed. When we’re talking about tons of shabu, you let them pass. This drug war is fake.”

Niloloko niyo ang taong bayan. Kaisa isang programa niyo, fake pa.

Administrasyon to ng mga fake: fake news, fake na kaso sa mga kumakalaban sa inyo at fake din na kampanya laban sa droga.

Pag mayaman, ligtas? Pag mahirap, patay? Luh, grabe sya.

Yamot sa Fake na Pagkatao,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *