An Open Letter to CJ Sereno

Dear Chief Justice Sereno,

Hindi ko po kayo kilala ng personal, pero sinusubaybayan ko po ang mga pangyayari.

First gusto ko pong magpasalamat sa inyong paninindigan sa lahat ng mga importanteng kaso kinaharap ng kasaysayan. Malinaw ang independence ng niyo po mula sa executive branch na makikita sa mga decision sa Marcos Burial, GMA plunder case, D5 at BBM. Resibo.

Salamat po sa pagbabagong ginagawa sa ating judicial system itong na ang epekto ay mas mabilis na ang usad ng kaso at dahil computerized na, mas madaling i-monitor at i-audit. Madaling mahuli ang panlilinlang at pagsasamantala. Maaring hindi ito nakita ng iba, pero nakita ko po kung paano kayo nagtrabaho.

Alam ko po na ginigipit po kayo ng administrasyong ito. Sa kagustuhan na maging sunod sunuran ang lahat ng sangay ng pamahalaan kayo naman po ang gustong tanggalin.

Ang mga kontrabida po sa pelikula na kakampi ng masasama ay si Atty. “Genocide” Gadon. Alam ng bawat Pilipino kung sino ang kakampi ng taong to. Resibo.

Alam ko po na sa Congress baka po magkaroon ng moro-morong process, na kung saan si Speaker Alvarez ang namumuno na mukhang gusto pa yatang gumanti dahil sa kaso noon sa PIATCO na naipanalo ng admin ni PNoy na ang lawyer po ay ikaw.

Pero sa kabila ng lahat ng balakid, meron kayong hawak na siyang magiging dahilan kung bakit kakampi niyo ang taong bayan. Hawak niyo po ang katotohanan.

Nakatutok ang taong bayan sa impeachment process.  Makikita nila kung sino ang may maitim na hangarin.

Maging matatag po kayo, maalon man po ang paglalayag, kasama niyo po kami sa pagsagwan.

Sa laban niyo po itong kakampi niyo po kami.

Sa laban na ito mas pipiliin po namin na nasa tabi niyo.

I stand with CJ Sereno,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *