Ang Impeachment Kuno

Dear KaPaB,

Ating suriin ang impeachment hearing kanina. Since hindi naman pinayagan ang mga abogado ni CJ Sereno na magtanong sa process kanina, hayaan natin na ating talakayin ang kaso na sinampa ni Atty. “Genocide”.

Una. Resibo.

Yung business class plane ticket ang ginawang isyu. Eh puwede naman pala. Hindi naman yun ground for impeachment. Ok na yan, na business class kaysa magcharter ng plane di ba? Kasama pa ang kabit, right Speaker Alvarez? Resibo.

Isang binanggit pa doon ay ang

Yung land cruiser daw, extravagant, weh? Chief justice yan no? Alangan naman pasakayin mo yan sa ordinaryong sasakyan without bullet proof window? Kung pagiging extravagant lang naman ang pag uusapan, may mas mamahal pa ba dito? Sa private plane na Manila-Davao na forthnightly minsan weekly pa na trip? Resibo.

Isang isyu pa ang tinalakay ay, SALN.

Luh, kung SALN lang naman, sino nga ang may undeclared na pera sa SALN niya? Yung ayaw pumirma ng waiver? Your guess is as good as mine po.

Yung Presidential Villa daw na 200k, hindi naman pala totoo. Luh, eh paano naman to? Resibo.

Yung trip ni Tatay Digong oh sa Qatar , for 2 days 63million. Tapos yung tips na binigay oh sobra sa isang milyon? Ano yun? Nagrereklamo tayo sa 200k na hindi naman totoo pala tapos, tahimik sa sobrang 1 milyon na tips? Ipokrita lang di ba?

Tapos kanina, ayaw payagan ang mga lawyer ni Chief Justice magtanong? Tandaan,.

Kaya mga KaPAB, masdan niyo ang galawan ng mga Representative niyo. Call them out pag inaabuso nila ang batas.

Ang laban ni CJ Sereno, ay laban natin para sa katotohanan. Ang laban ni CJ Sereno ay laban natin para sa bayan.

Manindigan tayo kasama si CJ Sereno.

I stand with CJ Sereno,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *