Open Letter to Brother Eddie Villanueva

Dear Brother Eddie,

First nagpapasalamat po ako that finally nagsalita na po kayo about sa extrajudicial killings. Resibo.

Tama po kayo na hindi lahat ng pinatay ay nanlaban. Madami na pong nadadamay. Kung ating sisisihin ang PNP, siguro po dapat din natin pag usapan ang nag utos sa kanila.

Pasensya na po Brother Eddie, may statement po kayong binitawan na hindi ko po makuhang sumang ayun. Eto po yun. Resibo.

Palagay ko po may mali po dito. Brother, alam po ng pangulo ang mga patayan. Minsan nga po di ba, sa kanya nanggagaling ang utos po di ba? Resibo.

Kung babatikusin po natin ang PNP, mas mabuti pong iparinig din po natin ang mga hinaing natin sa pangulo na kung saan sa kanya nanggagaling ang mga utos.

Brother, alam ko po, matapang kayo. Wala po dapat kayong kinakatakutan kasi po kakampi niyo ang katotohanan. Hindi po ito ang oras para maging selective.

Christian din po ako, alam ko po ang “thou shall not kill”. Ang punto ko lang po ilang beses nang binanggit ng pangulo ang “kill, kill, kill” pero bakit po parang binibigyan niyo pa po sya ng excuse na hindi niya alam. More than 10,000 deaths na po, nasa TV, radio at mga newspaper araw-araw, imposible po na hindi niya alam. Natandaan niyo po ba yung nangyaring one time big time operation sa bulacan? Resibo.

32 deaths for 230 grams of shabu, pero ang 6.4 billion na shabu nawawala pa din. Di ba po taga Bulacan kayo? Alam niyo po ba kung ano ang sinabi ni Duterte after that operation? Resibo.

After 32 deaths, “That’s good” daw. So paano niyo po masasabi na hindi niya alam?

You have a large number of followers po, you have an important voice, sana po magamit niyo ng buo na walang kinakatakutan.

Araw-araw marami po ang namamatay sa iba’t -ibang panig ng bansa, baka nga hindi pa natin alam baka some of them belong to your church.

Sana po maging mas malakas at mas maging totoo ang boses niyo sa mga susunod na araw. Wag po sana kayong maging selective.

Gumagalang,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *