May Papakasuhan si Asec. Mocha

Dear Ate Mocha,

Gusto kong isipin na joke lang tong sulat mo. Nagpapatawa ka po ba? Resibo.

Ayun dito pinapakasuhan mo ng administrative case ang nag upload ng pekeng photo. Wow, talagang hindi mo aakuin ang kasalanan ha talagang ipapasa mo sa iba. Ate naman, may word po na verification. Ganito ang post mo di ba? Resibo.

At yung page na pinanggalingan ng post ay PCOO page. Ibig sabihin may problema sa office niyo. Hirap kasi sa inyo ang hilig magpost ng photo na wala man lang accountability.

Kung magpapasibak ka ng tao na nagkamali niyan, ba dapat ikaw na muna ang mauna. You also posted fake photos remember? Hindi ko na isasama ang mga fake post mo ng hindi ka pa Asec. Eto po ang isa. Resibo.

Remember the fake soldiers photo? Praying for our soldiers tapos Honduras police ang pic. Ang palusot mo symbolism yan. Duh.

Eh sino ba naman ang makakalimot dito? Pinapadalaw mo ang LP senators sa isang patay na nakalibing na pala one year ago. Resibo.

Tapos yung post mo na siyang naging dahilan kung bakit nademanda ka ni Senator Trillanes. Resibo.

Ang punto ko lang ang lakas mong magsulat na kasuhan ang nagpost ng fake photo eh ikaw naman ang numero unong gumagawa nito. Tumingin ka sa salamin para makita mo kung sino ang dapat kasuhan sa pagpapakalat ng fake news.

Kakasuhan daw, tse! Unahin mo sarili mo!

Yamot sa Mapagkunwaring Palaka,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *