Open Letter to Associate Justice Teresita De Castro

Dear Associate Justice Teresita Leonardo- De Castro,

Napakinggan ko po ang impeachment hearing kahapon. Sa daming beses nabanggit ni Atty. Gadon ang pangalan niyo, iisipin ko po na nandun kayo sa hearing. Kahit po ang mga mambabatas napansin nila. Resibo.

Tanong lang po, kayo po ba ang nagplano ng impeachment laban sa kasamahan niyo sa Supreme Court? Kasi kayo daw po ang resource person.  Parang may mali po, kasi kasama niyo po si CJ Sereno sa institusyon ng Supreme court eh. Kung may internal problem sana inayos na lang sa loob.

Nabanggit pa po sa hearing kahapon na kayo daw nagbigay ng papers kay Canlas yung taga Manila times. Luh, lagot, di ba po may rules yan na bawal? Resibo.

Nabasa ko din po itong sinabi niyo na hindi niyo po ginawa ang sinabi ni Gadon. Resibo.

Ma’am, dapat idemanda  si Gadon, kasi po sinisiraan po kayo eh.

Isipin niyo binalita niya doon na nagbibigay kayo ng document sa iba, kahit bawal. Ang tingin tuloy sa inyo ng iba na parang ang sama niyo po, kasi kasabwat ka ng impeachment na puro hearsay.

Kung ako sa posisyon niyo po, magagalit ako, kasi pinaparatangan po kayo. Yun kung talagang hindi po kayo kasabwat nila ha.

I hope na sana po malinis niyo ang pangalan niyo po, kasi nakakahiya sa legacy po na maiiwan niyo sa mga Pilipino.

Nangangaral ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *