Election Na Ba, Sir Harry?

Dear Secretary Harry Roque,

Hindi ko alam kung matatawa ako o mayayamot sa drama niyo po kanina.

Sabi niyo sasakay kayo ng MRT para maramdaman niyo ang hirap ng mga commuters. Weh, naramdamam niyo ba? Parang hindi naman. Pumila ba kayo ng ganito bago sumakay? Resibo.

Hindi di ba? Kasi sumakay kayo na hindi pumila at may bodyguards po. Resibo.

Tapos imbes makatulong kayo sa commuters, perwisyo pa ang drama niyo. Kasi hindi pinasakay ang ibang commuters para maging maaliwalas lang ang pagsakay niyo. Resibo.

Malamang malamig, pinigilan nila ang mga sasakay na iba eh. Kung hindi kayo nag pa special, eto po ang kakalabasan niyo po. Resibo

Yung tipong, halos magkapalit na kayo ng mukha ng katabi mo? Malamang baka pati yang wig niyo po matanggal sa sobrang siksikan. Malamang yung noo, niyo mas lalong kikintab kasi sa sobrang init.

Kung talagang gusto niyong  ang hirap ng commuters, sumakay kayo ng rush hour, walang camera at walang “hawi” boys, tingnan ko lang kung makakaya mo pang sabihin na “malamig naman”. For sure uuwi kang naglilimahid.

Sir Pans, malayo pa election, wag paepal. Trabaho ng walang kaplastikan. Kadiri ang drama niyo eh. Style niyo po, bulok. Tse!

Yamot sa Dramatistang Palaka,
PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *